34 /School Festival 4/

15.3K 709 35
                                    


Raven's POV

Where the hell on earth is she? Damn it!

Kanina pa namin hinahanap si Daniela dahil bigla nalang siyang nawala at ganoon din si Zero. Hindi ko alam kung magkasama ba sila nitong mga oras na'to.

I don't know but it starting to freak me out dahil hindi ko siya mahagilap, don't get me wrong dahil pinepeste na naman ako at kami ng mga Kuya niya at pinagbibintangan na namang kasalanan namin na nawawala ang kapatid nila.

"Where the fuck is she? Saan ba siya nagpunta at nawala nalang bigla!" isang malakas na mura ang pinakawalan ni Joseph at si Yoseph naman ay sinipa ang kawawang upuan.

Kasama namin sila para hanapin si Daniela. Pauwi na sana sila ng malamang nawawala ang magaling nilang kapatid. Peste!

"Manahimik ka nga Alvarez, ilang minuto palang nawawala ang kapatid mo!" asik ko kay Joseph kaya napatingin siya saakin atsaka sinugod at kwinelyuhan.

"Anong sabi mong gago ka! Ilang minuto? Tarantado ka talaga, malamang magagalit ako dahil nawawala ang kapatid ko kahit ilang minuto o kesyo segundo pang nawawala, babae yun gago!" sigaw niya sa pagmumukha ko kaya tinulak ko siya pero nasambot naman siya ng kambal niya.

"Mas gago ka, hindi naman basta-basta mawawala yang kapatid mo kung hindi siya lumabas ng walang dahilan. Pwede ba huwag mong ibunton saakin yang galit mo!" sinapak ko siya dahil sa inis ko at napahiga siya sa sahig.

"Tarantado ka!" sumugod saakin yung kambal niya at hindi ko naiwasan ang sapak niya kaya napaupo ako.

"Huwag kayong manggulo dito!" umawat sila Cloud, Allyson at Ignacio.

"Bitawan niyo ko, tarantado ka Raven! Labanan mo'ko huwag kang duwag!" nanggagalaiting sigaw ni Joseph kaya hindi ko siya inurungan.

Sinugod ko siya kahit awat-awat siya ni Cloud. Sinapak ko ulit siya pero nasapak din niya ako, ganon din si Yoseph pero si Allyson ang nasapak niya.

Sa mga sandaling yun ay mabilis pa kami sa alas quatro na nagrambulan, nadamay na rin sila Ignacio sa away namin kaya mas lalong gumulo.

"ANONG NANGYAYARI DITO!?"

Natigil kami sa pagsusuntukan dahil sa isang pamilyar na tinig at gulat na gulat siyang nakatingin saamin, there she is.

Gulat na gulat siyang nakatayo katabi si Zero na gulat na gulat din dahil sa nadatnan nilang pagrarambulan namin.

Pwersahan kong binitawan si Joseph na siyang kaaway ko, mabilis namang inalo ni Daniela ang mga Kuya niya at hindi alam ang gagawin. Napahawak naman ako sa panga at labi ko at nalasahan ko ang sarili kong dugo.

Daniela's POV

Nakabalik din agad kami sa school at nadatnan namin ang iilang mga estudyante na naglalakad at yung iba naman ay pauwi na. Gabi narin kasi at malaya na silang lumabas kung kailan nila gusto.

Nasalubong pa namin ni Zero yung mga lalaking nagpupumilit lumabas kanina. Hindi nalang namin sila pinansin at naglakad papunta sa room namin.

Sure akong hinahanap na ako nila Kuya, patay ako nito. OA pamandin sila kung makareact. Habang naglalakad papunta sa room ay nakarinig kami ng mga ingay na para bang may nag-aaway.

"Ano yun?" taka rin na tanong ni Zero pero nagkibit balikat ako dahil hindi ko rin naman alam ang nangyayari.

Kinabahan nalang ako atsaka mabilis na tumakbo sa loob ng room at gulat na gulat ako sa nakikita ko. Nagrarambulan silang lahat at kasama na don sila Kuya.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon