EPILOGUE

17.2K 593 236
                                    


Daniela's POV

Mabilis kaming nagtungo sa hospital kung saan isinugod nila Kuya si Raven. Lahat kami alalang-alala sa kalagayan niya. Lahat kami may iniindang sakit dahil pare-pareho kaming sugatan at pagod matapos ang naging labanan namin kay Raquim.

Agad din kaming nakarating sa hospital at dumiretso sa ICU kung saan kasalukuyang naroroon si Raven. Hindi ko alam kung inooperahan na siya dahil nasa ICU lang naman ang sinabi ng nurse saamin.

It should be. Delikado ang lagay niya at maraming dugo ang nawala sakanya, kaya kailangan na siyang maoperahan sa lalong madaling panahon. I can't afford to lose him. I know I've been harsed to him lately but i can't deny the fact that I'll still want to saved his life.

Oo nagkamali kami sa isa't-isa, hindi kaming lahat pero hindi ko gusto ang ganitong kinalabasan. Ayokong may mawalang buhay dahil lang sa maliit na bagay na nangyari saamin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung maiiyak ba ako o matutuwa dahil sa ginawang pagliligtas saamin ni Raven.

Gusto kong maiyak dahil feeling ko kasalanan ko kung bakit nag-sacrifice siya saamin ni Patricia kahit alam ko namang kasalanan talaga ni Raquim ang lahat, at pangalawa gusto kong matuwa dahil pinaglaban niya kung anong nararamdaman niya, nagpakatotoo siya at kinalaban ang takot at matauhan sa pagiging duwag niya.

"Guys! Kailangan daw ng Family's consent bago operahan si Raven." biglang bulalas ni Marcus matapos niyang kausapin ang doctor.

"Edi ipaalam natin sa parents niya, kailangan na niyang maoperahan..." naiiyak kong bulalas pero inalo lang ako ni Ricci na siyang katabi ko.

"Yes we can, pero nasa states ang parents niya, siguradong bukas pa sila makakarating kung nagkataon." asik naman ni Ace at tumango naman ang iba.

"W-what?" sabi ko at tuluyan ng naluha at napaluhod.

Hindi ko ininda ang mga sugat ko sa katawan. Ano ng mangyayari sakanya kung bukas pa makakarating dito ang parents niya. Feeling ko pinagkakait na saamin ang tadhana na itama ang mga mali namin. Feeling ko karma na namin sa mga nagawa naming kasalanan.

"Daniela stop crying! Magpakatatag ka!" sabi ni Kuya Joseph atsaka pinunasan ang luha ko.

"Hindi mo ba alam na mayabang yung boyfriend mo? Sigurado akong wala lang sakanya yung tama ng baril, alam natin na kaya niyang lumaban. Ikaw nga pinaglaban niya kay Raquim eh, sarili niya pa kaya?" sabi ni Kuya Yoseph.

Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong sarkastiko yun pero hindi ko maiwasang mabuhayan ng loob. Kahit papaano ay may pakialam din sila Kuya kay Raven. Tumango ako at tinanguan din nila ako.

"Sila Ate Roxanne!" biglang bulalas ni Cholo kaya kunot noo ko siyang tinignan.

"Right! Nandito na sila sa pinas 2 weeks ago pa. Tawagan mo na sila Zero!" sabi ni Marcus at mabilis namang inilabas ni Zero ang phone niya at tinawagan daw yung Roxanne.

'Ate ni Raven?'

Umiling nalang ako at hindi na nag-isip pa. Kasalukuyan naman kaming ginagamot dahil sa mga natamo naming sugat sa pakikipaglaban. Nandito kaming apat sa room 304 nila Patricia, Yngrid at Ricci.

May kanya-kanya kaming mga benda sa katawan, sa braso, paa, at leeg. Walang nagsasalita saamin at hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sasabihin ko. Nagkaayos na kami ni Patricia at tanging si Yngrid nalang ang hindi pa, ayos naman kami ni Ricci.

"Ahem! Sorry!"

Unang nagsalita si Yngrid at nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung sincere siya sa paghingi ng sorry pero okay na yon atleast marunong siyang mag-sorry.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon