46 /Comfort/

12.1K 528 63
                                    


Daniela's POV

Halos mag-agaw buhay na ako habang nakadapa sa sahig dahil sa kawalan ng lakas. Nanginginig narin ang buo kong katawan at nangingiwi sa sakit at kirot dahil sa pakikipaglaban ko kay Raquim.

Napatumba niya ako dahil pinagtulungan ako ng mga kapwa niya gangsters, nanlaban din si Cholo pero hindi narin niya kinaya, nakahandusay din siya sa sahig at nagmistulang na-paralyze dahil hindi na makatayo.

"Hahaha! Nasaan na ang tapang mo ngayon Princess?" natatawang bulalas ni Raquim habang nakasabunot sa buhok ko.

Paulit-ulit niya akong tinatawag na Princess na siyang kinaiinisan ko, kahit ilang beses ko'na siyang binara pero parang nang-aasar pa siya at parang walang naririnig. Pakialam ko'ba?

'Dito na ba ako mamamatay? Ayokong mamatay na virgin!'

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang pinag-iisip ko sakabila ng kalagayan namin. This is a matter between life and death and yet i keep thinking insane.

"Tsskk!" asik ko atsaka niya pabatong binitawan ang ulo ko.

Sumubsob naman ako sa sahig at dahan-dahan uli akong tumayo sa pagkakaupo.

"Alam niyo bang kanina pa ako naiinis, gustong-gusto ko ng patayin yang Raven na yan at ang gang niya, anumang oras ay sasabog na ako at baka hindi ko'na kayo matimpi!" malakas na bulalas ni Raquim at huling pinasadahan ng sipa si Cholo.

"C-cholo!"

Tila ubos na din ang boses ko at sobrang paos na, kitang-kita ko ang sakit na nararamdaman ni Cholo pero wala kaming magawa dahil hawak niya kami sa leeg. Sinamaan ko siya ng tingin at sumilay sa mukha niya yung galos na binigay ko sakanya, putok ang kilay at labi niya dahil sa hindi niya inaasahang pag-atake ko kanina.

'Bagay sayo yan, ulol ka!'

"Mukhang patibong nga lang talaga ang lahat ng 'to, at mukhang wala ring balak si Raven na iligtas ka? Teka? Bakit ka nga ba niya ililigtas? Hindi ka naman niya syota!" realtalk niya saakin kaya mas lalo akong nagngitngit.

Masakit para saakin ang katotohanang yun dahil hindi ko talaga lubos maisip na kaya akong o tama bang sabihin kong nakaya nila akong gawing pain sa ungas na Raquim na'to. Well ano ba naman ako sakanila at ano ba sila?

Dakila at kilala silang gangster at wala silang pakialam sa buhay ng isang tao, at bakit sila mag-aaksaya ng oras para saakin. Kaklase lang naman nila ako. Tapos!

"P-wede ba? Kung may balak ka talagang patayin kami o kung a-numan? G-gawin mo'na, h-uwag kang umasa na ili-ligtas talaga nila kami, huwag ka-ng umasa, masa-saktan ka lang!" nakakaya ko paring magsalita kahit paos at utal-utal.

"Yeah i think it that way but nah! I know Raven, hindi niya kayang pabayaan ang kasama niya." sabi niya.

"Si Cholo lang, hindi ako!" asik ko naman.

"Hmm mukhang ganon na nga, huwag ka ring umasa Princess. Masasaktan ka lang!" balik asar niya atsaka natawa ng natawa.

"Hahaha! Bwisit ka, halos maiyak na ako kakatawa." maiyak-iyak na siyang tumawa at mukhang nasiraan na ng bait.

"Or maybe i just call them, para naman ma-inform sila kung ano talaga ang nangyari sainyo at baka magkaroon ka'pa ng maliit na chance para sagipin ka?"

Inilabas niya ang phone niya atsaka nag-dial at ilang segundo rin bago siya magsalita.

"Kamusta Marcus?" bungad niya.

"Hello! Sino 'to?"

"Relax Marcus, si Raquim lang 'to."

"Walang hiya ka Raquim! Anong kailangan mo?"

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon