54 /Confession/

12.6K 535 60
                                    


Daniela's POV

"Ngayon mo sabihing hindi mo pa naalala?" taas kilay na tanong ni Raven matapos niya akong halikan ng dalawang beses.

Hindi ako sumagot at inisip ng mabuti kung anong gusto niyang ipaalala saakin. There's something behind that kissed but i can't figure out what it is?

Tinitigan ko siya atsaka ako pumikit. Inisip ko lahat ng mga bagay na nangyari saakin na may kinalaman si Raven pero hindi ko talaga mapunto kung ano. Hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko, sobrang bilis at parang gustong kumawala.

"Sorry, hindi ko talaga maalala." sabi ko at yumuko, narinig ko siyang napasinghap.

"Tssk, stupid as ever!" asik niya.

Hindi ako sumagot at natahimik naman siya, sumandal ako sa pader habang nakayuko at siya naman ay nakapameywang at nakatingala.

"I was the one who saved you that day..."

"Huh?" taka kong tanong.

"I'm amazing right? I just saved you that day and yet you can't remember." sabi niya sa mababang boses.

"Kailan?" asik ko parin at gusto ko nalang iuntog ang sarili ko para maalala yung gusto niyang sabihin.

"I mean, noong araw na kinidnap ka ni Raquim."

BOOM! Sa pagkasabi niyang yun ay para bang may kung anong sumabog sa utak ko at naalala yung araw na kinidnap kami ni Raquim at may taong nagligtas saamin. Hindi ko inaasahang siya ang magliligtas saamin. Well nakidnap din si Cholo so talagang ililigtas nila siya dahil in the first place ay magkaibigan na sila.

"I-ikaw yung nagligtas saamin?" sabi ko at tumango naman siya.

"Yes all of us, but i saved you first." sabi niya.

Naaalala ko pa na bago ako mawalan ng paningin ay may nakita akong isang pigura ng tao papalapit sa gawi namin. Hindi ko na tuluyang nakita ang mukha dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

"I don't know what to say..." mahina kong sabi at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

"You don't have to say anything."

Katahimikan ulit ang namayani sa pagitan naming dalawa. Para akong napipi matapos kong malaman na siya pala talaga ang nagligtas saakin. Ilang minuto pa akong natahimik bago ko tuluyang nahugot ang sasabihin ko.

"So why did you saved me?" tanong ko at napatingin siya saakin.

Kita ko ang malamlam niyang mata at feeling ko anumang oras ay malulunod na ako.

"Because i care..." sagot niya.

Because he care? I need a proper explanation kung bakit? Hindi siya yung tipo na may pakialam talaga sa isang tao. Hindi yun ang pagkakakilala ko, o talagang may pakialam talaga siya at ayaw niya lang iparamdam.

"And why do you care?" kusang lumabas sa bibig ko.

"Because i want to." maikli niyang sagot habang nakatingin parin saakin.

"Do you care about me?"

"Yes, and i don't know why?" mabilis niyang sagot na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.

Kalma Daniela. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya at nakaramdam ng takot at pangamba. Hindi ko maiwasang mag-isip dahil sa mga bagay na pwedeng mangyari. Masyado na akong maraming katanungan at dumagdag pa siya.

Oo inaamin ko may konting kiliti akong nararamdaman kapag may mga bagay siyang ginagawa na hindi ginagawa saakin ng iba. Hindi ko rin maiwasang maisip na baka magsisi lang ako sa huli.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon