52 /Sorry, Treat & Thank you/

12.6K 493 25
                                    


Daniela's POV

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko kay Cholo. All this time na nakakasama ko ang buong Section E ay wala man lang akong kamuwang-muwang at masyadong inosente. Matapos kong malaman ang totoo ay feeling ko ang sama-sama ko dahil hindi ko manlang sila napasalamatan ng maayos.

Tahimik lang akong nakaupo habang nagtuturo yung subject teacher namin at labas sa kanilang tenga ko lang yung mga tinuturo niya. Inilibot ko naman ang mga mata ko at pinagmasdan ang mga depungal. Normal lang silang nakaupo sa kanya-kanya nilang upuan, yung iba wala talagang interes, yung iba nama'y may kanya-kanyang mundo at yung iba ay mas piniling matulog nalang.

Hindi ko namalayang tapos na pala ang tatlo kong subjects sa umaga at ngayon ay lunch na. Mabilis na tumayo ang mga depungal kaya agad naman akong tumayo atsaka pumunta sa center table.

"Guys wait!"

Napatigil naman sila sa paglakad palabas atsaka ako tinignan ng may pagtataka.

"Bakit Danny?" tanong ni Zico.

"May announcement ba?" sabay naman na tanong ni Dino at Cloud.

"Manlilibre kaba Ate Danny?" batang tanong ni Cholo habang may subong lollipop.

Nahagip ko naman si Zero at Marcu's na nakatingin lang saakin, si Raven naman ay bumuntong hininga lang.

Actually wala talaga akong naiisip na paraan para pasalamatan sila sa pagligtas nila saamin ni Cholo. Speaking of Cholo ay agad kong naisip ang subo niyang lollipop.

'Maybe i just treat them a lunch'

"Kain tayo sa labas, libre ko!" hinayaan kong lumabas yun sa bibig ko kaya hindi ko'na mababawi pa.

"Yey! Ate Danny pwedeng dito nalang tayo sa loob kumain?" inosenteng bulalas ni Cholo kaya natawa naman yung iba.

"Seryoso ka'ba Daniela?" asik ni Kahlil at inayos ang salamin.

"Uhm...yeah. Para naman may bonding tayo." sabi ko at ngumiti.

"Okay sabi mo eh, tara na!"

Sumang-ayon naman silang lahat at nagsaya nabuhayan naman ako ng loob at mabilis kong kinuha ang bag ko at sumunod naman ako sakanila palabas.

"Hey!"

Napatingin ako sa tumawag saakin.

"Sup? Kamusta ka?" tanong ko.

"Okay lang ikaw?"

"Okay lang din." sagot ko.

"Edi okay tayong dalawa." sabi niya.

"Baliw walang tayo!" pambabara ko at natawa naman ako.

"Ouch! Walang tayo kasi open tayo."

"Sira ka talaga Zero!" inambahan ko siya ng sapak pero natawa lang siya.

"Joke! Joke! Joke!"

Umiling nalang ako dahil sa kabaliwan ng lalaking 'to.

"Smile Daniela."

Pumunta sa harap ko'si Zero at tinutok niya saakin ang dala niyang DSLR. Ngumiti naman ako nag-peace sign.

"Okay isa pa!"

Nag-pose naman ako pero may sumingit at naki-join din sa pag-pose sa camera.

"Peste ka Marcus!" sinipat ko ang braso niya pero natawa lang siya.

"Raven sali ka'na din, pati ikaw Zero. Picture tayong apat."

Yun nga ang nangyari at nagpa-picture kami sa napadaang estudyante. Nagkanya-kanya naman kaming pose at nag-wacky.

"Salamat."

Sabay-sabay kaming natawa at nagtuloy sa paglalakad. Nasa hallway na kami ng matanaw ko'si Ricci. Hindi ako nag-dalawang isip na tawagin siya at kinawayan naman niya ako at naglakad patungo saamin.

"Hoy girl kamusta ka?" kamusta ko sakanya.

"Okay lang. It's been a long time, noong school festival pa tayo huling nag-usap." asik niya.

"Oo nga eh and that's a month ago. Busy ka kasi sa pagiging SSG president. Hahaha!" sabi ko at sabay kaming natawa.

"EHEM!"

Sabay na tumikhim yung tatlong tukmol kaya napatingin kami sakanila.

"Ay oo nga pala Ricci. Mga kaklase ko sila Raven, Marcus at Zero." pagpapakilala ko at ngumiti naman siya.

"I already know them Daniela, anyways saan ang punta niyo?" tanong niya.

"Ahhh... Kakain kami sa labas. Gusto mong sumama?" aya ko.

"Sure! Why not?"

Sa kalapit na mall kami pumunta at napag-desisyunang sa isang korean restaurant nalang kumain. Hindi naman magkandamayaw yung iba. Minsan lang 'to mangyari kaya susulitin na namin.

"Thank you for the food!"

Sabay-sabay kaming nag-tossed ng soju (korean beer) at mabilis na uminom. Beverage level lang naman at pwede sa underage, yung iba kasi naming kasama ay minor pa, lalo na si Cholo.

"Guys groufie tayo, remembrance!"

Inayos ko naman ang buhok ko at ngumiti sa camera. Lahat kami nakangiti at tila ba yun na ang pinakamasaya naming araw. Walang problema at walang inaalala kundi ngingiti lang. Sabi nga ni Amit Kalantri "A photograph shouldn't be just a picture, it should be a philosophy"

Matapos naming mag-lunch ay bumalik din kami agad sa school.

"Thank you ulit Daniela, sa uulitin. Una na ako ah bye. Bye guys!" paalam ni Ricci at dumiretso sa klase niya at ganon din kami.

10 minutes before time ay nilakasan ko'na ang loob ko. Nagawa ko'na kanina kaya gagawin ko ulit. Naglakad ulit ako papuntang center table at hinarap sila. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ko ang mga ngiti sa mukha nila.

Who would have thought nasa kabila ng ngiti nila ay may mga nakatagong sikreto. Maybe looks can be deceiving may kanya-kanya tayong aspeto at rason sa buhay. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang mga posibilidad na mangyari sa mga sumusunod.

"Guy's! I have something to say..."

Nakuha ko naman agad ang atensyon nila atsaka sila natahimik.

"Sorry and thank you."

Matapang at malakas kong bulalas at kumunot naman ang mga noo nila. Alam kong naguguluhan sila sa sinabi ko at hindi pa nagsi-sink in sa utak nila yung gusto kong iparating.

"Huh? What do you mean?"

"I mean sorry kasi hindi ko kayo agad napasalamatan sa pagliligtas niyo saakin at kay Cholo. Yeah i know nagkamali ako don at nabalewala ko lang kayo. I was unconscious that timed kaya hindi ko agad nalaman and thank you dahil sa pagliligtas niyo saakin kahit buwis buhay."

Mahaba kong litanya atsaka ako tumungo wala naman akong narinig na salita mula sakanila at feeling ko tuloy hindi sapat na rason yung mga sinabi ko dahil nagbuwis sila ng buhay para lang saakin. Ano ba naman sana yung mga binitawan kong salita kumpara sakanila.

"Apology Accepted."

Boses ni Raven ang una kong narinig at dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Tila natunaw naman ang kaba ko dahil sa pagtanggap niya sa paumanhin ko. Kinindatan niya ako at doon lang ako natauhan sa pagkindat niya, naramdaman ko ulit ang mga kabayo sa dibdib ko. Damn it.

~~
Wahh! Nakapag-UD ulit sa wakas. Anong masasabi niyo?

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon