58 /Aloof/

10.1K 400 75
                                    


Daniela's POV

Ramdam na ramdam sa buong classroom namin ang hindi maipaliwanag na atmosphere. Sigurado akong aware silang may past sila sa pagdating ni Patricia dahil naalala ko noong minsan na nai-kwento saakin ni Ricci tungkol kay Patricia.

Malakas din ang kutob kong may namagitan kay Raven at Patricia dahil nakita ko kaninang nagtititigan sila at masasabi kong may meaning ang tinginan nilang yun.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko dahil sa isiping yun. Naging tahimik buong klase namin, literal na tahimik na walang nag-iingay, kadalasan kasi nag-iingay talaga sila kahit may teacher na nagsasalita sa harap. Feeling ko tuloy hindi ako welcome sa section na'to dahil dumating na yung naunang babae nila sa section na'to bago ako...

Mabilis na natapos ang klase namin at wala parin sa kabaliwan ang mga depungal. Mabilis akong tumayo at kinuha yung pri-ne-pare kong lunch namin ni Raven. Nakita ko siyang inaayos yung gamit niya kaya napangiti ako.

Kinalabit ko siya ng makalapit ako at pinakita sakanya yung hawak kong paper bag na siyang laman ng lunch namin.

"Sabay tayong mag-lunch." sabi ko at tumango naman siya.

"Sure tara!" sang-ayon niya.

Palabas na kami ng room ng may tumawag  kay Raven. Napahinto kami dahil kilala ko kung kaninong boses yun. Sa arte palang ng boses niya, lumapit si Patricia kay Raven at nairita naman ako.

"Raven. Can we talk?" maarteng asik niya.

Napatingin saakin si Raven at para bang sinasabi niyang pwede ba kaming mag-usap look pero nag-kibit balikat lang ako.

"Sige, anong pag-uusapan natin?" sabi niya in a bored tone.

"I mean, the two of us..."

Nakatingin lang ako sakanila atsaka napatingin saakin si Patricia at peke akong ngumiti at ganon din siya atsaka sila umalis ni Raven para mag-usap kuno?

'Plastic!'

Nakakainis! Imbes na sabay kaming mag-lunch ni Raven, may Patricia namang umepal, siguro next time nalang. Hinagilap ko si Cholo at siya nalang ang inaya kong kumain at as expected, tuwang-tuwa ang batang timawa.

Hindi ko naman maiwasang isipin kung anong pinag-uusapan nina Raven at Patricia? Napapa-isip din ako kung ano talagang namamagitan sakanilang dalawa?

Nang matapos kong kumain ay hinanap ko sina Marcus at Zero pero hindi ko sila makita. Kung saan gusto ko silang makausap, hindi ko naman sila mahagilap.

Napailing nalang ako at pabalik na sana sa room ng may makabunggo ako. Agad naman akong humingi ng paumanhin, paalis na ako ng pigilan niya ako.

"Okay ka lang Daniela?"

Napatingin naman ako sakanya at napalaki ako ng mata na si Kahlil pala yung nakabunggo ko.

"Ikaw pala Kahlil. Oo, okay lang ako. Why?" tanong ko.

"Ahh... Wala, pansin ko lang na irita ka at hindi ka komportable."

"Ahh yun ba?" patanong kong sabi.

"Is there something bothering you?"

Ayaw ko sanang sabihin sakanya kung anong bumabagabag saakin pero naisip ko'na baka masagot niya yung tanong ko dahil naging kaklase din niya si Patricia dati.

"Ahm, diba naging kaklase niyo dati si Patricia?" tanong ko at unti-unti naman siyang tumango.

"Yeah why?"

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon