19 /Gangster?/

17.9K 731 33
                                    


Daniela's POV

Nasinop na namin lahat ng basura na kinalat ng pesteng Yngrid na'yan, ang kapal ng mukha para sugurin ako dito at tambakan kami ng basura! Kung tutuusin mas basura siyang tignan dahil sa masangsang niyang ugali.

'Nanggigigil na naman ako'

Pinagtulungang hilain at buhatin ng mga depungal ang mga sako-sakong basura at itinapon sa likod ng lumang building kung saan ang dumpsite ng school. May tapunan naman pala ng basura dito at bakit pa nila itinambak sa classroom namin.

'Mga walang utak!'

"Okay... 1..2..3!"

Sabay-sabay nilang inihagis ang sako-sakong basura at nagpagpag ng mga kamay, inihagis ko'na rin yung plastic bag na hamak ko. Ayan, tapos ang problema!

"Sa susunod na magtapon pa sila ng basura sa classroom natin, sisiguraduhin kong idiretso sa mga klase nila!" talak ko dahil nagmistula na kaming basurero.

Naging perfume na rin namin ang amoy ng basura, urgh... Ang lagkit sa balat, ang kati-kati pa!

"Hindi ko'na kaya, nanlalagkit na ako!" atungal ni Blake.

'Ako rin!'

"Hindi lang ikaw, lahat tayo!" sigaw naman ni Zico at nagkakamot ng katawan.

"Waahh! Ang baho ko'na!"

Natawa ako sa inasal ni Cholo dahil imbes na mainis ay lalo akong natuwa dahil wala na talaga siyang mata. Yung singkit niyang mga mata ay lalo pang naging singkit.

"Haha! Cute mo talaga Cholo... Halika na, mag-shower na tayo." aya ko kay Cholo at kanya-kanya namang react yung mga depungal.

"What!? Magsho-shower kayo?" tanong ni Marcus.

"As in kayong dalawa?" napapalaking matang tanong ni Zero.

Aba! Iba yata ang pagkaka-intindi ng mga depungal na'to sa sinabi ko, sira talaga mga ulo nito!

"Oo nga, Ate Danny sabay tayo?" nakangising bulalas ni Cholo, pinektusan ko naman siya.

"Mga sira! What i mean is, magsi-shower na tayo para mawala yung amoy ng basurang kumapit saatin!" bulyaw ko at napa-Ahh naman sila at tumango-tango.

Agad akong dumiretso sa CR at ganon din yung mga depungal. Hinayaan ko lang na umagos sa katawan ko ang malamig na tubig sa katawan ko, phew...ang lamig!

Inayos ko ang uniform at sarili ko sa harap ng salamin matapos kong mag-shower, maayos na ulit, wala na yung mabahong amoy ng basura na tumambay sa katawan ko.

'Dyosa na ulit ako'

Lumabas na ako ng CR at tinext sila Kuya na dalhan ako ng pagkain dahil hindi naman ako pwede sa cafeteria sa kadahilanang banned kami doon.

'Lunch na'

Ilang minuto lang ang lumipas at dumating naman sila Kuya Joseph at Yoseph dala ang isang plastic bag.

"Here! Ubusin mo yan." abot saakin ni Kuya Yoseph no'ng plastic bag.

"Salamat Kuya, tapos na kayong mag-lunch?" tanong ko.

"Tapos na, kanina pa, ubusin mo yan ah!" sabi naman ni Kuya Joseph.

"Sige, salamat ulit. Bye!"

Umalis na sila at pumasok na ako sa room at dumiretso sa upuan ko, nilapag ko naman sa armchair ang pagkain ko atsaka ko binuksan. Isang set na'to ng lunch meal at masyadong marami.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon