43 /Abduct/

12.9K 551 9
                                    


Zero's POV

Kanina ko'pa napapansin na balisa at tulala si Daniela, hindi ko naman siya magawang lapitan dahil kasama niya si Marcus. Isa pang napapansin ko ay parati silang magkasama at that made curious?

'Nakalimutan na'ba niya?'

Nakahanap ako ng tiyempo ng umalis si Marcus at ganon din si Cholo. Naiwan siyang nakaupo mag-isa sa gilid at umiinom ng frappe.

Pasimple naman akong lumapit sakanya at umupo sa tabi niya.

"Hey! Okay ka lang?" tanong ko at napatingin naman siya saakin.

"Hmm, oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sagot niya.

"Wala lang, napansin kong kanina ka'pa preoccupied at nagi-space out. Anyare?"

"Naks! Napansin mo'pa talaga yun ah." asik niya.

"Oo naman, kahit naman sino mapapansin yun."

"Ganon ba ako, hindi kaya."

"Oo, huwag mo'nang i-deny." pilit ko.

"Oo nalang nga hahaha."

"Seryoso, may bumabagabag ba sayo?" pangungulit ko'pa.

"Wow lalim no'n ah." natatawa niyang asik kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hmm, napapaisip lang kasi ako sa nangyari saakin kanina." sabi niya kaya umawang ang kilay ko.

"What do you mean?"

"What i mean is, yung mga gangster na sumugod saakin kanina."

Naibuga ko yung frappe na iniinom ko dahil sa sinabi niya, gulat naman akong napatingin sakanya. Seryoso?

"What!?" pabulong kong sigaw.

"Oo kanina may sumugod saakin na mga gangster, kaya ako balisa kanina dahil sa kakaisip kung anong kasalanan ko sakanila."

"Shit! Bakit ngayon mo lang yan sinabi Daniela?" seryoso kong bulalas at napalaki naman siya ng mata.

"Pwede ba Zero, huwag kang OA, nangyari na atsaka tinulungan naman ako ni Marcus." sagot niya.

'Ano si Marcus?'

"Si Marcus? Tinulungan ka niya? Paano?" sinipat naman niya ako.

"Sabi ko'ng, huwag kang OA. Nagkataon lang na nandoon siya kaya niya ako tinulungan."

"Ganon ba? So okay ka lang ba? Hindi ka'ba nasaktan?" sunod-sunod kong tanong.

"Yes. I'm fine, hindi ako nasaktan." sagot niya.

"Kilala mo'ba yung mga gangster na sumugod sayo?"

"Hindi eh?"

"Anong itsura nila?" tanong ko ulit.

"Bakit?" asik naman niya.

"Sagutin mo nalang."

"M-malalaki ang katawan nila at puro tattoo."

"Shit!"

"Wait, kilala mo'ba yung mga gangster na yun?"

Hindi ko alam kung bakit siya sinugod ng mga gangster pero iisa lang ang alam kong tama, isa sa mga gangster na gusto kaming kalabanin at talagang idadamay pa nila si Daniela.

"Anong nangyarari dito?"

Sabay kaming napatingin kay Raven ng kunot-noo siyang nakatayo sa harap namin ni Daniela, napansin siguro niya yung kilos namin.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon