39 /School Festival 9/

13.2K 537 47
                                    


Daniela's POV

Nagpalinga-linga ako pero may taong tumakip sa bibig ko at mabilis akong hinila at wala akong nagawa kundi magpakaladkad sakanya.

'I'm doom!'

Mabilis ko namang kinalas ang pagkakatakip niya sa bibig ko at mabilis kong pinilipit ang kamay niya patalikod.

"Arrgh! Shit aray!"

Gulat ang rumehistro sa mukha ko dahil pamilyar ang boses niya, madilim kasi dito sa pinagtataguan namin at hindi ko makita ang mukha niya. Iniharap ko siya saakin atsaka ko inalis ang cup niya.

"Marcus?" gulat kong bulalas.

"Ssshhh..."

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko atsaka iniharang ang katawan sa harap ko. Amoy na amoy ko ang dibdib niya dahil sobrang lapit niya at wala naman akong magawa dahil baka mahuli pa kami ng mga gangster na humahabol saakin.

"Saan nagpunta yun?"

"Baka nag-teleport na?"

"Gago! Tao yun hindi diwata!"

Kahit gusto kong tumawa dahil sa katangahan ng mga gangster ay mas pinili ko nalang na manahimik baka makita pa kami. Mahirap na.

"Wala na sila."

Shit! Ang bango.

"Daniela, wala na sila."

Bakit ang tigas... ng dibdib niya?

"A-anong ginagawa mo?" napabalik lang ako sa ulirat ng ma-realize ko ang katangahan ko.

Hindi ko namalayang nakayapos ako sakanya at pinagsisinghot ang dibdib niya, ang bango kasi. Chos! Landi ko talaga!

"Ahh ehh sorry, nadala lang." sabi ko at mabilis na lumabas sa pinagtataguan namin.

"Okay lang, ayos ka lang ba? Nasaktan ka'ba?" sunod-sunod niyang tanong atsaka ako umiling.

"Hindi okay lang ako, hindi ako nasaktan, ikaw nabali ko yata yung braso mo?" sinipat ko naman ang braso niya.

"Parang nga ehh?"

"Hala! Seryoso? Naku sorry Marcus hindi ko sinasadya, nagulat lang talaga ako." asik ko.

"Hahaha joke lang, sanay akong mabalian." natawa niyang bulalas.

"Yung totoo? Nabalian ka hindi?"

"Hmm, hindi na oo!" sagot niya.

"Yung totoo kasi?"

"Hindi, hindi talaga." nakangiti niyang sagot atsaka pinakita ang braso niya.

"Loko ka talaga!" asik ko atsaka ko sinuntok ang tiyan niya.

"Ahhh..." atungal niya sabay hawak sa tiyan.

"In fairness ang tigas ng tiyan mo ahh." bola ko sakanya.

"Matigas ba?" asik niya atsaka tinaas ang damit niya at kitang-kita ko naman ang nagmumura niyang abs.

"Oo na matigas na!" pagtatapos ko dahil ang awkward ng usapan namin.

"Salamat Marcus sa pagligtas mo, bait mo talaga." pasalamat ko atsaka ko ginulo ang buhok niya.

"Wala yun. Okay ka lang ba talaga?"

"Oo, don't worry. Maayos pa ako sa maayos." sagot ko.

"Buti naman, sige halika na. Delikado tayo dito."

Mabilis niya akong hinila atsaka yung skateboard ko, napatingin naman ako sa kamay kong hawak niya, hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa tiyan ko at tila kinikilig ako sa paraan ng pagligtas at paghawak niya sa kamay ko.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon