51 /Truth/

13K 489 6
                                    


Daniela's POV

"Diba kabilin-bilinan ni Daddy na sasabay ka saamin pag-uwi! Saan ka nagpunta?"

Halos mabasag naman ang eardrums ko'sa lakas ng boses nila Kuya pagdating ko'sa bahay. 6:45 na kasi ako nakauwi at alalang-alala na sila saakin. Hindi na kasi ako nakapag-paalam kanina dahil nagmamadali kaming umalis nila Marcus at Raven.

"Binisita lang namin yung kaibigan ko. Si Cholo." maayos kong sagot.

"Ano? Sinong kasama mo!?" bulyaw ni Kuya Joseph.

"Sila Marcus at Raven." asik ko.

"Nak ng! Ilang beses na naming sinabi sayo na lumayo ka sakanila!" bulyaw din saakin ni Kuya Yoseph, kumunot naman ang noo ko'sa kadahilanang yun.

"Wait! Lagi niyong sinasabi saakin na lumayo sakanila? Ano bang dahilan para layuan ko sila? Wala naman akong nakikitang rason para layuan ko sila ah!?"

This time hindi ko naiwasang magtaas ng boses na siyang kinagulat nila at mas lalo na ako. Kahit hindi kami magkasundo minsan eh never ko silang pinagtaasan ng boses, ngayon lang talaga. I literally can't believe it.

"Just please Daniela makinig ka saamin ni Yoseph." pakiusap ni Kuya Joseph.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit gusto niyong layuan ko sila. Oo alam kong kikala sila sa pagiging brutal, rebelde, pakarat at kung ano-ano pang tawag pero hindi naman yun ang nakikita ko, sa ilang linggo kong namalagi sakanila, alam kong may kabutihan parin sila." mahaba kong litanya na kinatahimik nila.

Katahimikan ang namutawi saaming tatlo. Habol ko din ang hininga ko dahil feeling ko maso-suffocate ako sa atmosphere namin.

"We know Daniela, we're just protecting you from the harm that they may cause, sooner or later." seryosong litanya ni Kuya Yoseph.

Sa mga binitawan nilang salita ay hindi ko maiwasang magtanong, magtaka at matakot dahil sa posibleng mangyari sa pagitan ko at ng Section E. Hindi ko'na alam ang gagawin ko dahil sa mga tanong na hindi ko alam ang mga sagot. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at naalarma naman sila Kuya.

"Stop crying Danny, we didn't mean it that way. Huwag ka ng umiyak. Sorry..."

Tumango-tango nalang ako para hindi na sila mag-abala. Nagpaalam na akong aakyat nasa kwarto ko para mag-pahinga. Pabagsak akong humiga sa kama at napatingin sa kisame, doon ko naramdaman ang tunay na pagod, tila pagod na rin ang utak ko'sa mga tanong na gusto kong masagot kahit wala pamanding sagot.

Feeling ko hindi ko kakayanin ang impact ng sagot sa mga tanong ko.

Nakatulugan ko kagabi ang kakaisip at hindi na ako nakapag-palit ng damit pantulog. Friday ngayon at loyalty day namin at free kaming mag-civillian ngayon. Croptop na pinatungan ko ng denim jacket, skinny jeans at old school sneakers ang get up ko.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at bumaba na at diretso sa dining room at nadatnan ko naman sila Kuya na nag-aalmusal na, umupo ako sa tapat nila at pansin ko namang nagpapakiramdaman sila. Naka-civillian din sila, wala na yung benda nila sa braso at ilang band-aid nalang ang natira.

Hanggang ngayon curios parin ako kung bakit may sugat at pasa sila sa katawan, alam kong nakikipag-away sila pero hindi naman sa sobra at grabe.

Mabilis akong kumain at tumayo na at dumiretso sa kotse at sumunod naman sila. Sa backseat ako umupo at tahimik lang at napapansin kong nagtitinginan sila. Alam kong nangangati silang kausapin ako.

"Ahm... Kamusta ka Danny?" tanong ni Kuya Yoseph.

"Okay lang, maayos ako." maayos kong sagot.

"Ahh..."

Tuluyan na kaming umalis at dumiretso sa school. Wala paring umiimik, wala talaga ako sa mood magsalita at wala naman akong galit kila Kuya. Ewan ko lang kung anong iniisip nila?

"Sige Kuya una na ako." sabi ko at sinenyasan naman nila ako at ganon din ako sakanila.

Pagkapasok ko'sa room ay si Cholo agad ang sumalubong saakin habang malaking nakangiti. Napangiti naman ako dahil masaya akong nakapasok na siya at bumalik nasa dati niyang aura.

'Childish and Hyper'

"Yie! Na-miss kita Cholo, buti't nakapasok kana." sabi ko habang ginugulo ang buhok niya.

"Ako pa, diba ako si SuperCholo!" asik niya at sumampa sa upuan at nag-ala superman. Mas lalo tuloy akong natawa.

"Ikaw talagang bata ka, oo na ikaw nasi SuperCholo." sabi ko nalang at pinisil ko ang pisngi niya.

"Anyway sorry Cholo." paghingi ko ng sorry na ikinapagtaka naman niya.

"Huh? Sorry saan Ate Danny?"

"Sorry kasi diba na-kidnapped tayo dahil saakin, pinilit kitang lumabas ng school na hindi naman dapat. Kung hindi dahil saakin hindi naman tayo mapapahamak eh..." pilit kong ngumiti habang nagsasalita.

"Hindi Ate Danny, ako at kami dapat ang humihingi ng sorry sayo dahil nagsinungaling kami sayo in the first place kahit alam namin yung tunay na mangyayari sayo. Sorry Ate Danny!"

Ramdam ko naman ang sinseridad sa pananalita niya at napangiti naman ako. Sa murang edad niya ay para na siyang matanda kung magsalita, parang nawala yung childish na Cholo at napalitan ng pagiging matured.

"You know what, it doesn't matter to me anymore kung anong nangyari, ang mahalaga ay nakaligtas tayo sa malulupit na kamay ng gagong si Raquim!" sabi ko at natawa.

"Hmm... Kung hindi dumating sila Raven, Marcus, Zero at yung mga kaklase natin malamang hanggang ngayon hawak parin tayo ni Raquim." inosente niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Huh? What do you mean na kung hindi lang dumating.?" asik ko.

"Sila ang nagligtas saatin diba? Nakalimutan mo'na?"

Natuod naman ako sa sinabi niya at unti-unting napatingin sa mga depungal. May kanya-kanya silang mundo at doon nag-flashback sa isip ko kung bakit may mga natamo silang sugat at may mga benda sa katawan noong nakaraang araw.

So yun pala ang dahilan kung bakit. Niligtas nila kami at nasaktan sila sa kadahilanang yun...

Damn it! I'm so stupid for not figuring that out. That's the truth and i don't know what am i supposed to do?

'Bahala na'

~~
Hello! Nagbabalik si ako, nakapag-UD rin sa wakas, pasensiya na at medyo maiksi, rush lang kasi pero okay na. Kitakits sa next UD. Labyu guys!

Pls vote and comment.

Thank you:)

@LhemorPatchie

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon