33 /School Festival 3/

16.1K 694 36
                                    


Guys! Sorry sa mga Typos don sa previous chapter, wala pa akong ganang mag-edit.

Daniela's POV

Nangyari nga ang plano namin. Nagpulot ng mga basura sila Marcus at dapit hapon na at naghahanda na kaming mga magbabantay sa gabi.

Natapos na din yung booths namin at nandito kami ngayon sa room at kumakain, tutal wala naman akong naitulong sa booth namin kanina kaya naisipan ko nalang na bumili ng pagkain naming lahat.

'Para wala naman silang masabi saakin'

"Salamat Ate Danny, ang sarap nito!" sayang-saya na bulalas ni Cholo habang may subo-subong burger.

"Yeah!" tanging sagot ko at napatingin ako kay Raven na siyang katabi niya.

Naalala ko'na naman ang embarrassing moment sa pagitan namin kaya napaiwas ako ng tingin sakanya pero sa pag-iwas ko naman ay si Marcus naman ang nahagip ko.

Nagkatinginan kami kaya napangiti nalang ako ng pilit. Naalala ko din yung ginawa niyang pagnanakaw ng halik saakin.

Napayuko nalang ako at kinain nalang din yung pagkain ko.

"Sige guys! Mauna na kami sainyo, kita nalang tayo bukas!" sigaw ni Zico pagkatapos naming kumain.

Alas siete na ng gabi at kaming mga pangalawang grupo naman ang magtra-trabaho. Pagod ang karamihan sakanila kaya kailangan na nilang umuwi.

"Daniela, una kami." paalam ni Marcus.

"Sige, ingat kayo ah. Bye!" paalam ko din atsaka ko tinapik ang balikat niya.

Nag-alangan pa ako dahil naalala ko'na naman yung paghalik niya. Sabihin niyo ng OA pero nakakahiya talaga. Tapos isabay mo pang baliw 'tong pagtibok ng puso ko.

'Ang landi ko talaga'

Ginulo niya ang buhok ko atsaka na sila umalis at naiwan naman kaming mga magtra-trabaho na para magbantay.

Ang iba din sakanila ay pagod dahil sa ginawa nila kaninang pagpapa-picture. Ako lang talaga 'tong hindi napagod.

"Okay pa ba kayo?" tanong ko sakanila.

"Yeah, tara na!" sigaw ni Blake atsaka na kami lumabas ng room.

Mas nabuhay ang mga estudyante dahil sa mga night activities na ginaganap at wala silang ibang ginagawa kundi magpakasaya, samantalang kami ay kailangan silang bantayan.

Pumwesto kami sa main gate at yung iba naman ay sa back gate para walang makatakas. Maraming sumubok na lumabas ng school pero hindi namin pinapayagan, mamayang 10:00 pa kasi sila pwedeng lumabas at ngayon hindi pa pwede.

Yung iba hindi na sumubok dahil tindig palang ng mga kasama ko ay natatakot na sila.

"Pasensya na Kuya, bawal talagang lumabas. Sumusunod lang kami sa utos!" asik ko at pinigilang lumabas yung mga lalaki na nagpupumilit lumabas.

"Saglit lang Miss, pagbigyan mo'na kami." pilit nila pero mas matigas ako.

"Sorry talaga, kami ang mapapagalitan ehh, buti naman sana kung fair ang pamamahala ng eskwelahang 'to." asik ko.

"Ano ba naman yan, saglit lang naman, walang makakaalam kung hindi mo ipapaalam!" nanggagalaiti na niyang bulalas pero nanatili akong kalmado.

Kahit gusto ko'na siyang barahin at murahin dahil bawal nga pero mas pinili kong maging kalmado.

"HINDI NGA PWEDE! BAWAL! ALIN BA DON ANG SALITANG HINDI MO MAINTINDIHAN!?"

Kalmado kong sigaw sakanya at halata namang nagulat sila sa iniasta ko. Sabi ko naman kasi na kalmado lang ako ehh.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon