60 /Ignore/

10.8K 444 84
                                    


Daniela's POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos mag-transfer ni Patricia dito sa HVIS. Sa isang linggong yun ay maraming nagbago, lahat ng nakasanayan ko sa ilang buwan kong pag-aaral dito ay masasabi kong literal na maraming nagbago.

Unang-una ay yung typical na pagla-lunch namin ni Cholo at iba pang depungal sa room ay hindi na namin nagagawa dahil kay Patricia na sila minsan sumasama.

Alam ng lahat na totally banned kami sa cafeteria pero nagulat nalang ako ng biglang naging open ulit yon para saaming mga taga Section E. Maraming nagtaka dahil ilag ang karamihan saamin pero sa huli ay wala rin silang nagawa na siyang ikinapagtataka ko hanggang ngayon.

Minsan naman kapag nakikipag-kwentuhan ako kila Marcus at Zero ay ramdam ko ang pagkailang at hindi pagiging komportable sa presensiya ko. Ang sakit para saakin na parang hindi kami magkakaibigan para ganoon nalang ang treatment nila saakin.

Ang hirap palang mag-expect masyado dahil sa huli ikaw lang din ang masasaktan at magmumukhang palaasa. Yun kasi ang nararamdaman ko at ang sakit lang talaga para saakin.

Naglakad ako palabas ng room at mabilis na sinundan si Raven. Isa pang bagay na nagbago matapos ang isang linggo. Si Raven, he totally changed and completely ignoring me.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya para magbago ng ganoon and worst saakin pa talaga, para bang mas naging cold siya kumpara dati at literal na wala ng pakialam sa paligid niya. Nakita ko naman kung paano siyang nagbago at alam ko yun pero parang ibang-iba na siya ngayon.

'Parang hindi na siya yung Raven na kilala ko?'

Yun bang feeling na napaka-close niyo dati at sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay para na ba kayong hindi magkakilala. Hindi ko alam ang rason niya para matiis akong hindi kausapin at pansinin pero isa lang ang naiisip ko kung bakit siya nagkaganyan.

'It was Patricia's fault'

I know na masamang mambintang lalo na't wala akong ebidensiya na nagpapatunay na siya nga ang may pakana para tuluyang magbago si Raven. Nagbago lang naman siya matapos nilang mag-usap noong nakaraang linggo.

Kung alam ko lang na ganyan ang magiging kinalabasan niya matapos nilang mag-usap, sana ipinagpilitan ko nalang na sabay kaming mag-lunch. Hindi ko alam kung bakit sobrang obsessed ng dating ko pero hindi ko talaga mapigilan.

Kahit alam kong hindi ulit niya ako kakausapin ay sinundan ko parin siya. Naglakad siya papunta sa rooftop ng lumang building kung saan kami madalas kumain na dalawa.

Nakakainis bakit dito pa? Marami kaming happy memories sa lugar na'to. Tahimik lang ako at sinundan din siya sa rooftop. Tumigil siya at tumayo sa gitna at dinama ang preskong hangin, nakatayo lang ako sa likod niya at para ba akong napipi dahil walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"R-raven..."

Sa wakas nahanap ko din ang boses ko. Kung pakikinggan mo ng mabuti ang boses ko ay mararamdaman mo ang lungkot at pag-crack ng boses ko. Lumingon siya saakin at blangko lang ang tingin niya saakin.

"I m-missed you..." usal ko at para bang may nakabara sa lalamunan ko at pigil na pigil ang luha ko.

"I don't miss you Daniela, leave me alone." matigas niyang sabi pero hindi siya makatingin saakin.

Kung may mas masakit pa sa sinabi niya sure akong nakabulagta na ako dahil sa sakit ng mga binitawan niyang salita. Feeling ko pinagsasaksak ang puso ko dahil sa kirot.

"Ano bang nangyayari sayo Raven?" tanong ko ulit.

"Walang nangyari saakin, nakikita mo naman diba?" pilosopo niyang sagot at iginiya ang sarili na para bang gusto niyang ieksamin ko ang katawan niya.

Section E (New Generation) [COMPLETED ✔] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon