Claire-274

2.9K 63 8
                                    

Sobrang bilis nang mga pangyayari. Patuloy sa pagdasa ang mga kotse at tao sa paligid habang umuulan nang bala.

May biglang humatak sa akin at yumakap ng mahigpit kasabay ng pakikipagpalitan niya ng putok ng baril.

Malapit na akong himatayin sa sobrang takot noong tuluyang maubos ang putukan.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng lalakeng nakayakap sa akin.

"Kirby..." humahagulgol na sambit ko habang gumaganti ng mahigpit na yakap sa kanya.

Nag-alisan na ang mga taong nagtangkang pumatay sa amin sakay ng kani-kanilang sasakyan. Tanging mga tauhan na lamang ni Kirby ang naiwan at ang iba sa kanila ay may tama ng baril kaya nagpaalam ng umalis.

"Anong ginagawa ninyo dito ng mga tauhan mo? Paano ninyo nalaman na may mga susugod sa amin ngayon?" seryosong tanong ni Xavier habang nasa pagitan siya ng mga lalakeng nakasuot ng bulletproof na nag-cover sa kanya.

"Simula noong ma-ambush sina Shazsnay at Grandy, nagpadala ako ng mga tauhan na palihim na magbabantay sa kanila pati na rin kay Claire. Meron din akong sariling private investigator na nag-iimbestiga tungkol dito."

"At anong tingin mo sa sarili mo para gawin ang mga bagay na ito? Porke't nailigtas mo ang buhay namin,  akala mo ba, super hero ka na?" nang-uuyam na tanong ni Xavier habang padabog na inaalis ang mga kamay na nakakapit sa kanya.

"Pwede ba Mendez, hindi ito ang oras para pairalin mo ang pride mo. Buhay ni Claire ang nakataya dito dahil siya talaga ang target ng mga killer!"

Nagulat ako sa sinabi ni Kirby kaya lumayo ako sa kanya at tinignan siya ng diretso.

"Seryoso ka ba? Bakit naman ako ang target nila?" gulat na tanong ko kasi wala naman akong naaalala na may nagawan ako ng masama.

Saka magdadalawang buwan pa lang akong nakakauwi dito sa Pilipinas. Tahimik ang naging pag-uwi ko pati na rin ang naging buhay ko noon sa Autralia.

Hinawakan ni Kirby ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang aking mga luha.

"Listen to me, alam kong mabibigla ka sa mga sasabihin ko pero ito ang totoo..."

Kinilabutan ako sa uri ng pagsasalita niya kasi ramdam ko ng hindi maganda ang mga susunod niyang sasabihin.

"I honestly don't know how to start this--"

"Diretsahin mo na ako Kirby, ano ba ang totoo?!" putol na tanong ko sa sinasabi niya kasi kinakabahan na talaga ako.

"Hindi ikaw si Abby Claire Sebastian!"

"Ano?!" sabay-sabay at hindi nalilitong tanong namin nila Xavier.

"26 years ago, kinidnap ka ni former Senate President George Montereal. Kasabay ng gabing pag-kidnap sa'yo ay ang pag-ambush sa kanya ng mga BMA. Iniligtas ka ni tito Armand at noong gabi ring iyon ay nanganak si tita Clarissa, pero patay ang isinilang niya. Naisip ni tito Armand na aatakihin sa puso si tita Clarissa kapag nalaman niya ang totoo kaya ginamit ka niya upang mag-panggap na Abby Claire Sebastian."

Natulala ako sa mga sinabi ni Kirby.  Hindi ko alam kung paano magre-react.  Hindi ko ma-absorb ang mga sunod-sunod na kaganapan ngayon.

"Gago ka! Pati ang daddy kong matagal ng patay dinadamay mo pa sa mga kasinungalingan mo!" galit na sigaw ni Xavier bago itinulak ng malakas si Kirby sa semento.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon