Xavier-307

1.1K 32 29
                                    

"Siya nga pala Xayvion, kamusta ang araw mo kahapon? Hindi ka ba nagpasaway kina nanay Isa?" pag-iiba ko sa usapan para hindi mailang si Ynggrid.

"Papa! Ilang beses ko po ba dapat sabihin na hindi ako pasaway! Ang bait-bait ko po kaya!" nakangusong reklamo niya habang nagcro-cross arms na naman.

Ang cute talaga ng anak ko, manang-mana sa akin! Hahahahah!

"Talaga ba? Pupuntahan ko si nanay Isa mamaya para kumpirmahin iyan. Kapag nalaman kong nagpasaway ka, wala kang mango cake sa akin," pananakot ko sa kanya.

"Samahan pa po kita, papa!" mayabang na sagot niya.

"Pasaway ka talaga," patuloy na pang-aasar ko habang ginugulo ang buhok niya.

"Pero seryoso papa, pupunta po ba tayo ngayong araw sa bahay nila nanay Isa?"

"Bakit? Gusto mo ba?"

"Opo, papa!" tapos bigla na lang siyang umalis sa upuan at kumuha ng tupperware.

"O, aanuhin mo iyan?" halos sabay at kunot noong tanong namin ni Ynggrid sa kanya.

"May pagbibigyan po ako nitong cake," humahagikhik na sagot niya habang pinupuno ng cake iyong lalagyan.

"Ipapasalubong mo ba iyan kina nanay Isa? Hindi mo na kailangang maglagay diyan. Ibibili ko na lang sila ng isang buo," awat ko sa kanya.

Sa totoo lang, nakakapagtaka na naisipan niyang mag-alok ng mango cake sa iba. Favorite kasi niya ang mango cake at hanggat maari, ayaw niya ng may kahati.

"Hindi po ito para kina nanay Isa," sagot niya niya habang patuloy pa rin sa ginagawa.

"Kung ganoon, para kanino iyan?" patuloy na pagtatanong ko.

"Para sa crush ko po!" napakalaki ng ngiti sa labing sagot niya.

Agad akong natawa habang umiiling.

Mukhang nagbibinata na ang anak ko.

"At sino naman iyang crush mo? Kilala ba namin siya ng papa mo? Imbitahan mo naman siya minsan dito sa bahay," natutuwang sabi ni Ynggrid habang titig na titig sa anak namin.

"Secret!" pilyong sagot niya bago nag-belat.

"Aba, nagsisikreto ka na akin ngayon? Mama mo ako, dapat makilala ko iyang crush mo!"

"Basta, secret po muna!" pagkatapos ay tumakbo siya paakyat sa kwarto niya.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya.

"Xavier..."

"Ummm..." tipid na sagot ko kay Ynggrid habang inuubos ko ang iniinom na kape.

"Galit ka pa rin ba sa akin?"

"Hindi ako galit. Don't stress yourself, okay? Rest day mo ngayon, magpahinga ka," payo ko bago ibinaba ang tasang hawak ko at sinundan si Xayvion sa kwarto niya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko sinilip ang ginagawa ni Xayvion at naabutan ko siyang pinupuno ng mga biscuit at chichirya ang backpack niya.

"Masyado nang marami iyan, baka maipatsyo ang crush mo niyan," biro ko kanya.

"Hindi ko naman po sasabihing kainin niya ito ng sabay-sabay," pamimilosopo na naman niya.

Haist... Ang batang ito talaga.

"Sino ba kasi talaga iyang crush mo?"

"Secret nga po, papa!"

"Promise, hindi ko ipagsasabi," pangako ko habang nakataas ang kanang kamay.

Sandali siyang nag-isip pero agad ring umiling.

"Ayaw ko po, baka agawan mo pa ako ng crush!"

Bigla na naman akong natawa sa sinabi niya.

"Pero sige po, dahil papa kita sasabihin ko sa'yo ang pangalan niya."

"So what's the name of this lucky girl?" nae-excite kong tanong.

"Abby!"

Para akong binuhusan ng yelo sa ulo dahil sa pangalang narinig ko.

"Alam mo po ba papa, sobrang ganda niya at napakabait pa!"

Agad rin akong napailing noong matauhan ako.

Imposible iyong iniisip ko...

"Magaganda at mababait talaga ang mga may pangalang Abby," nasabi ko na lang habang ginugulo ang buhok niya.

"Talaga po? Paglaki ko papa, gusto kong makapangasawa nang Abby ang pangalan!"

(A/n: Kapit bisig lang guys. Walang bibitaw! 💪)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon