Ynggrid-304

1K 24 21
                                    

"Wala na akong pakialam ngayon, Xavier. Wala na akong pakialam kung mas mahal mo siya kaysa sa akin. Wala na rin akong pakialam kung kasal man kayo. Ang mahalaga, andito ka sa amin ng anak natin. Pag-aari ka lang niya sa papel, pero sa amin ka umuuwi," matapang na sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

Alam kong mali itong ginagawa ko. Pero para sa anak ko, ipaglalaban ko si Xavier kahit mali.

My son needs a father. We need him...

Saka matatawag ba akong kabit kung mas nauna naman ako sa buhay ni Xavier kaysa Claire?

Besides, may anak kami. Mas matanda pa ang anak namin sa relasyon nila. Mas may laban ako.

Kay Xavier na rin nanggaling, matagal ang pinagsamahan namin at mas kilala ko siya kaysa sa mas kilala siya ng ibang tao.

Ako iyong taong nasa tabi niya noong panahong nagsisimula pa lang siyang mangarap.

Ako iyong taong kasama niyang mangarap.

Sinalo lang siya ni Claire noong umalis ako noon.

But I'm back.

I'm going to get back what's mine.

I'll get him back.

Hindi na ako ang Ynggrid noon na duwag at mahina ang loob.

Pinatatag ako ng panahon.

I'll fight for the father of my son.

I'll fight for the man that I love.

Tahimik kong tinitigan si Xavier, pero gaya ng dati wala na naman siyang emosyon.

Sinimulan niya ulit ang pagmamaneho at hindi na ako muling nilingon.

Hindi na rin kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa bahay ni nanay Isa, kung saan namin hinabilin si Xayvion.

Sunod-sunod na bumusina si Xavier sa bahay ni nanay Isa pero mukhang masarap ata ang tulog nila dahil walang nagbubukas ng pinto sa amin.

"Sa tingin ko, mas mabuting katukin na lang natin sila," suhesyon ko bago ko binuksan ang pinto sa tabi ko at bumaba.

Nahimasmasan na ako sa byahe kanina kaya hindi na ako nakakaramdam ng hilo ngayon.

Agad din namang sumunod si Xavier sa pagbaba at nagpatiuna na sa pagkatok sa bahay.

"Tao po. Nanay Isa..." halos sabay na tawag namin at maya-maya pa, may nagbubukas na ng pinto.

"Kayo pala iyan doktora! Mukhang inumaga na kayo ah. Pasok muna kayo at ng makapag-kape," nakangiting aya ni nanay habang sinisindihan ang gasera nila.

Wala pa kasing kuryente sa bayang ito, pero ginagawan na namin ng paraan ni Xavier na magkapagpakabit ng kuryente. Lumapit na kami sa ilang matataas na opisyal at isa si Xavier sa mga nagplaplano kung paano makakakabitan ng kuryente ang bayan ng San Roque.

Xavier was a good Engineer kaya alam ko na madali na lang niyang maaayos ang linya ng mga kuryente kapag may pondo na kami galing sa gobyerno.

Sa katunayan nga niyan, sa bayang ito, bahay lang namin ang may kuryente at iyon ay dahil kay Xavier. Kahit kailan ang tali-talino talaga niya. He's always the best!

"Naku hindi na po nanay, uuwi na rin po kami para makapagpahinga. Naparito lang po talaga kami para sunduin si Xayvion."

"Ganoon ba? Siya sige, iilawan kita. Natutulog siya doon sa kwarto sa itaas katabi iyong bisita naming si Zoey."

Napakunot noo ako dahil hindi pamilyar sa akin ang pangalang binaggit ni nanay Isa.

Zoey? Sinong Zoey?

"Bisita raw nila. Baka taga-ibang bayan siya," nasabi ko na lang sa sarili ko habang tinatanaw ko sila paakyat sa taas.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon