Xavier-302

1K 36 22
                                    

"Alas onse na, hindi pa ba tayo uuwi? Siguradong kanina pang naghihintay si Xayvion sa atin," bulong ko kay Ynggrid habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga magulang dito sa bayan ng San Juan.

Limang bayan ang layo nito sa bayang tinitirhan namin kaya iniisip ko rin ang magiging byahe namin. Halos isa't kalahating oras ding pagmamaneho ito.

"Isang shot na lang please," sagot niya habang tinuturo iyong baso ng alak na kanina pang umiikot sa amin.

Pagkatapos kasi ng medical mission niya kanina, hindi na kami nakatanggi ng ayain kami sa hapunan na kinalaunan ay nauwi sa inuman.

"Pero lasing ka na," puna ko sa kanya kasi halatang kanina pa siyang nahihilo.

I knew her very well, nahihiya siya sa mga kasama namin kaya kahit hindi na niya kaya, pinipilit pa rin niya ang sarili.

"Hindi pa ako lasing promise! Last shot na talaga, please..." pakiusap niya na sinabayan pa ng pagkurap-kurap ng mga mata.

Haist. Lasing na talaga siya.

"Maaga pa naman Xavier. Hayaan mo munang magsaya si doktora paminsan-minsan. Ulirang doktora na siya ng mga bayan dito. Sobrang laki na ng utang loob namin sa kanya," tapos sabay-sabay silang naghiyawan at nagpasalamat kay Ynggrid.

Napailing na lang ako at napabuga ng hangin sa isang tabi.

"Pare, ikaw naman ang tumagay. 'Wag mong sabihin na magpapatalo ka sa asawa mo," kantiyaw ng mga kalalakihan sa akin.

Ayaw kong masabihan ng walang pakikisama kaya kahit ayaw ko, napilitan akong abutin ang baso ng alak sa harap ko at tinungga iyon ng diretso.

"Maraming salamat po sa inyong lahat, lalo na sa mainit ninyong pagtanggap sa amin pero kailangan na po talaga namin umuwi. Kanina pa pong naghihintay ang anak namin. Hinabilan lang po namin siya sa kapit bahay," magalang na paalam ko sa kanila habang inaalalayan ko si Ynggrid na tumayo.

But as expected, hindi na niya kaya ang sarili niya dahil sa sobrang kalasingan kaya kinarga ko na lang siya.

"Napakaswerte ninyo talaga ni doktora sa isa't isa. Nakakainggit kayo. Hiling namin na mas maging matatag pa ang pagsasama ninyong mag-asawa," nakangiting sabi nila habang tinutulungan nila ako sa pagbubukas ng kotse namin.

"Salamat po. Good night. Sa uulitin," paalam ko bago ko paandarin ang sasakyan palayo.

Tahimik akong nagmamaneho nang naalimpungatan si Ynggrid sa pagtulog.

"Xavier..." malambing na tawag niya habang nakapikit.

"Sleep. I'll wake you up when we get home. You need a rest," bulong ko habang tinatapik ko ang braso niya.

Bahagya akong nagulat noong hawakan niya ang kamay ko at nakipag-holding hands.

"I miss you..." halos paos na bulong niya na siyang naging dahilan para napalingon ako sa kanya.

Napansin ko ang dahan-dahang pagpatak ng mga luha niya.

"I miss this..." then she gently plant a kiss on my hand.

"I miss us..." tapos sa isang iglap bigla na lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin at hinatak ako para halikan sa labi.

It was a fast smack kiss.

Hindi iyon naging dahilan para mapatigil ako sa pagmamaneho.

Nakatingin lang ako ng tuwid sa daan at wala akong balak na lumingon. Alam kong umiiyak siya, pero mas pinili kong magbingi-bingihan.

I honestly doesn't feel anything right now. Pakiramdam ko, ang manhid-manhid ko.

"I'm sorry Xavier, alam kong naging ganyan ka katigas dahil sa akin. I'm so sorry for everything," umiiyak na sabi niya habang niyayakap ako.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon