Kirby-318

926 26 14
                                    

"O, bakit nagmumukmok ka diyan? The weather was so nice. Tara, mag-swimming!" anyaya ko kay Ara habang inaabot ang kamay ko sa kanya.

Kanina ko pa kasi siyang nakikitang nakatulala habang nakaupo dito sa ilalim ng puno ng niyog. Baka mamaya, mabagsakan pa siya.

Bahagya niyang inangat ang kanyang ulo para tignan ako pero agad rin siyang tumungo.

"I don't know how to swim."

"Woah! Seryoso? Model ka nang kilalang brand ng mga swimsuit pero hindi ka marunong lumangoy?" natatawang pang-aasar ko sa kanya.

Parang ang ironic lang kasi talaga na pang-beach body siya pero hanggang pagbibilad lang sa araw ang ginagawa  niya.

"Problema mo? Sa hindi nga ako marunong lumangoy!"

Uh-oh, inaatake na naman siya ng katarayan niya.

Manang-mana siya sa pinsan niyang si Xavier, parehong may attitude. Nagkataon nga lang na madalas kong makatrabaho itong si Ara kaya medyo immune na ako sa ugali niya.

Bipolar ito e. Minsan sobrang bait na akala mo, anghel na bumaba sa lupa.

Pero madalas, anak ni Satanas.  Hahahahahaha!

"Affected ka pa rin ba hanggang ngayon?" patuloy na pang-aasar ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang pagiging engage ni Zac sa isa ring kilalang model kagaya namin.

Hindi ako chismoso pero napansin ko kasi na parang may gap silang dalawa ngayon samantalang dati para silang kambal tuko na hindi mo mapaghiwalay, kaya ayon hindi ko naiwasang magtanong kina Shazsnay.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo," patuloy niyang pagtataray.

"Ang showbiz sumagot. Napaka-indenial," naiiling na komento ko habang umuupo sa tabi niya.

Matirik na ang sikat ng araw kaya mainit na rin sa balat magbabad sa dagat. Mukhang mas masarap ngang tumambay muna dito sa ilalim ng puno.

"Bakit ikaw? Mas indenial ka 'di ba? Obvious naman na matagal mo nang gustong-gusto si ate Zoey pero bakit hinayaan mo siyang makasal kay insan? Ngayong nawawala si insan at wala tayong ideya kung kailan siya babalik o kung may balak pa ba siyang bumalik, bakit patuloy kang nagpapaka-martyr? 'Wag mo akong huhusgahan kung ikaw mismo hindi mo kayang ayusin ang sarili mo."

Natahimik ako sa haba ng sinabi niya.

Triggered naman siya masyado. Personalan kung mambara? Hahahaha!

"I admit, I like Zoey--no, I love her. And she knew that, even your cousin do. Hindi ako sinungaling pagdating sa feelings ko."

Nanlaki ang mga mata niya, siguro hindi niya inaasahan ang sagot ko.

"I believe kasi na wala namang masamang umamin sa totoong nararamdaman mo. Nasa sa'yo iyon kung paano mo ba ihahandle ang sitwasyon. It's now or never. Sinubukan ko namang lumaban. Kaso alam kong hindi siya sa akin magiging masaya ng totoo, so support na lang ako," pagkatapos ay hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya ng diretso sa mga mata.

"Subukan mo munang lumaban bago ka sumuko. Kapag sa tingin mo naibigay mo na ang lahat ng best mo at wala pa rin, then accept the painful reality that not every story is a happy ending," nakangiting payo ko pero nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit.

"I salute your kindness. You deserve to be love unconditionally. At some point, nakakainis na sinayang nila Shazsnay at ate Zoey ang tulad mo. But believe me, sobrang swerte ng mapapangasawa mo."

For the third time around, my heart beats in it's most abnormal way.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon