Xavier-303

1.1K 30 55
                                    

"I'm driving Ynggrid, baka maaksidente tayo," sita ko sa kanya habang nananatili ang atensyon ko sa kalsada.

"It's all my fault. Maling-mali na iniwanan kita noon. Sorry... Natakot ako e. Noong malaman kong buntis ako kay Xayvion, hindi ko alam ang gagawin. Pareho tayong estudyante noon. Alam kong marami ka pang pangarap at ayaw kong makasira sa mga iyon," humahagulgol na paliwanag niya.

Nagsisimula ng mamasa ang damit ko dahil sa mga luha niya at ayaw ko mang aminin pero nag-aalala na rin ako sa kanya. Ramdam kong nahihirapan na siyang huminga dahil sa kakaiyak.

"Xavier please, talk to me!"

Huminga muna ako ng malalim at napapikit ng mariin bago ko pinakawalan ang mga tanong sa isip ko.

"Bakit ikaw ang nagdesiyon para sa akin? Bakit hindi mo muna hinintay na marinig ang opinyon ko bago mo inisip na magpakalayo-layo kasama ang anak natin? Bakit mas pinili mong magmukhang masama sa paningin ko? Bakit mas ginusto mong kamuhian kita ng matagal na panahon bago mo aminin sa akin ang lahat ng iyan? Bakit, Ynggrid? Bakit?!" may kataasan ang boses na tanong ko bago ko inapakan ng mariin ang preno.

"Dahil mahal kita Xavier! Mahal na mahal kita! Kahit na minsan hindi nagbago iyon! Inisip ko lang ang kapakanan mo! Alam kong pareho pa tayong hindi handang maging magulang noon! Alam kong marami kang pinoproblema at ayaw ko lang na makadagdag ako sa'yo!"

"Fuck, Ynggrid! Higit sa lahat ikaw ang mas na nakakakilala sa akin. We've been together since high school up to 2nd year college! That was 5 fucking years of relationship! 5 years, Ynggrid! 5 years! 5 years iyong bigla mo na lang itinapon dahil sa padalos-dalos mong desisyon! Sa tingin mo ba papayag akong lumaki ang anak natin ng wala ama kung nalaman ko agad na buntis ka?!"

"I'm really sorry Xavier... I'm so sorry dahil naging duwag ako. But believe me, there's no single day na hindi kita naisip. Specially when Xayvion came into my life, kamukhang-kamukha mo siya kaya mas lalo kitang hindi malimutan."

"Kung ganoon, bakit ngayon ka lang nagpakita? Ilang taon ang lumipas, ni anino mo hindi ko nakita! Bakit hindi mo ako binalikan ng mas maaga?!" nanginginig na tanong ko habang nagsisimula na rin akong maluha.

Sinalubong niya ang mga tingin ko pero siya rin ang unang umiwas at tumungo.

"Dahil hindi na ako sigurado kung ako pa rin ba ang tinitibok niyang puso mo," may riin ang bawat salitang binitawan niya kasabay ng panginginig ng mga kamao niyang nakakuyom.

"I never saw you laughing so loud the way you laugh when you're secretly watching her from behind..."

"I never saw you, smiling genuinely while you're simply gazing at her from afar..."

"I never saw your eagerness in studying just to compete with her, just to get her attention..."

"And lastly, I never expect you to chase her so hard but do nothing when I left you..."

Natulala ako sa mga sinabi niya.

"Taon lang ng relasyon ang binilang natin, Xavier. Alam natin pareho na 4th year high school pa lang, nagkakalabuan na tayo. At noong mag-college tayo, unti-unti na akong napapalitan diyan sa puso mo. Alam ko rin na simula noong makilala at maging kaklase mo siya, palihim ka ng nagkakagusto sa kanya. Matagal ko ng nararamdaman na taon na lang ng pinagsamahan natin ang pinanghahakawan mo. I witness everything! And you know what hurts me a lot?" huminga muna siya ng malalim bago ako muling tinitigan.

"I'm right all along, because at the end, she's the woman you chose to marry," then she let go her sobs.

(A/n: Kamusta ang roller coaster emotions natin guys? Kaya pa ba? 😂😂😂)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon