Shaznay-327

2.2K 52 71
                                    

Mabigat ang pakiramdam ko nang dahan-dahan kong ibuka ang aking mga mata.

"She's awake!" narinig kong malakas na sigaw ni Zac.

"Thank God!" boses ni Kirby.

My gosh, ang sakit ng ulo ko. Parang hinang-hina ako.

"Ouch..." daing ko habang nakakapit sa may bandang tyan ko kasi sobrang sakit nya.

Para akong may period cramps.

"Anong masakit sa'yo, wifey?" sobrang nag-aalalang tanong ni Grandlolo.

Awww.. Ang sweet-sweet naman ng asawa ko. Ang gwafu-gwafu talaga niya kapag nag-aalala, mas nagiging crush ko tuloy siya. Magpapaanak na talaga ulit ako sa kanya. Chos!

"How are you feeling?" tanong ng isang hindi pamilyar na boses na babae mula sa likuran ko.

Meron siyang hawak-hawak na baso ng tubig at inabot niya sa akin iyon.

Bahagya ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. 

In fairness, ang ganda niya ha. Pero teka, parang pamilya ang mukha niya sa akin. Parang nakita ko na siya dati.

Saan ko nga ba siya nakita?

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ng magandang babae sa harapan ko.

Simple ang damit pambahay na suot niya pero lutang na lutang ang ganda niya.

Sino kaya siya?

"Okay lang. Medyo masakit lang ng konti ang tiyan ko, pakiramdam ko maaagasan ako," sagot ko sa tanong niya habang inaabot ko ang baso sa kanya. 

Agad namang niyakap ng bahagya ni Grandlolo ang tagiliran ko tapos hinalikan niya ang aking noo.

Lagi ko ngang pag-alalahanin itong si Grandlolo para laging ganito ka-sweet. Joke! Hahahaha...

Pero teka, ano bang nangyari. Nasaan kami? Bakit kami andito? Bakit ako nakahiga sa kama?

Ang huling naalala ko, nahilo ako tapos blackout na. 

"Normal lang iyang sakit na nararamdam mo dahil talagang muntik ka nang maagasan, pero mawawala na rin iyan mamaya dahil sa gamot na itinurok ko sa'yo. Rest assure that you and your baby are safe. Just make sure to be more careful next time dahil halatang maselan ka magbuntis. You are over fatigue kaya ka dinugo, kaya mas dobleng ingat sa susnod."

Literal akong napanganga habang nakatulala dahil sa mga narinig ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil biglang nanlamig ang buong katawan ko.

Ako, b--buntis?

Paano nanagyari iyo?!

Kapapanganak ko lang kay Gavin! 

Wala pa ngang 1 year old si Gavin tapos buntis na naman ako?!

"Whoa! That's too much to absorb. That's impossible. Kapapanganak lang nang bestfriend ko 5 months ago. Paano siya mabubuntis? Di ba hindi, pwede iyon?"

"Actually, mas mataas ang chance of rate na magbuntis ang mga babaeng kapapanganak lang. And it's not impossible. You could use, prenancy kit if you like. But I'm an ob gyne, and base on my observation and with the test that I conduct to her, I'm so sure that she's pregnant. Marami na akong patients na nahawakan na katulad nang sa kanyang case."

"Do you have pregnancy kit, here?" tanong ni Grandy habang tinitignan ako na para bang tinatanong kung okay lang ba sa akin.

Tahimik akong tumango sa kanya bilang sagot.

Agad naman akong inabutan nang 3 pregnancy test nitong babae este Doktora pala.

Inalalayan ako ni Grandy papunta sa CR at doon ay ginamit ko ang mga pt na hawak ko.

Pagkatapos ko ay lumabas din ako agad upang iabot kay Grandy ang resulta ng mga pt ko.

"M--magiging daddy na ulit ako?" hindi makapaniwalang tanong niyang habang nakatitig sa 3 positive na pregnancy test na kapit niya. 

Dahan-dahan akong napatango kahit wala rin ako sa sarili.

"Magiging kuya na si Gavin!" biglang siglang sigaw ni Grandlolo bago niya ako biglang niyakap ng mahigpit.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil alam kong sobrang saya ng asawa ko. May bago na namang dadagdag sa munting pamilya namin.

"Mama, bakit po ang ingay dito? Nasaan po si papa?" tanong nang pamilyar na boses ng batang lalake mula sa may hagdan.

Teka, si Xayvion?

(A/n: Look who's back fellas! Maraming sorry na agad sa pagiging inactive ko. Sobrang busy lang talaga ako lately. Sa mga nagtatanong kung tatapusin ko ba ito, of course. Ilang taon na tayo nagsasama-sama sa kwento nila, iiwanan ko ba kayo? Siyempre hindi. Iyon nga lang, may personal na buhay din ako sa likod ng aking pluma kaya pasensya na kung medyo slow update ako. but as I promise, worth it lahat ng taon na iginugol ninyo sa pagsubaybay. Iloveyou everyone. Ciao!)


















Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon