Zoey-308

1K 24 10
                                    

Habang kumakain kami kanina, chinarge ko na ang cellphone ko kaya naman nang matapos kami ay agad kong tinawagan si insan para magpasundo.

Si Kirby sana ang ko-contact-in ko kaso siguradong siya mismo ang personal na susundo sa akin kapag ginawa ko iyon. Knowing Kirby, wala iyong pakialam na ma-issue at ma-broadcast around the world kung ako ang mali-link sa kanya, ikatutuwa pa noon! Hahahah!

Pero siyempre hindi ko hahayaang mangyari iyon. Ano na lang ang iisipin ni Xavier kapag nalaman niyang nali-link na naman kami ni Kirby. Minsan na kaming nag-break noon dahil pumayag akong maging girlfriend ni Kirby at ayaw ko nang maulit iyon lalo na ngayong mag-asawa na kami.

"Ate Zoey, talaga po bang pupunta ka sa kabilang isla?" pukaw ni Anna sa atensyon ko.

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas ng bahay nila habang nakatanaw sa napakagandang Heaven Island. Ilang saglit na lang, mararating ko na rin ang islang iyon!

"Ummm... Oo!" masiglang sagot ko habang tumatango ng sunod-sunod.

"Balita ko po, andoon daw ngayon iyong crush kong si Kirby Park. Kilala mo po ba siya?"

"Ah... Eh... Narinig ko na ang pangalan niya pero hindi ko siya kilala," pagsisinungaling ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Paano na lang kung puntahan ako ni Kirby dito, e 'di nagkagulo na.

"Ganoon po ba? Basta ate, sobrang gwapo po niya! Sobrang tagal ko na na po siyang crush. Nagbabakasali lang naman po ako na makita mo siya doon. Ito po ang picture niya!"pagkatapos ay may pinakita siya sa aking poster ni Kirby.

Iba talaga ang charisma ni Kirby. Hanggang liblib na bayan ng probinsyang ito, naghahasik siya ng kagwapuhan.

"Sige tatandaan ko ang itsura niya at kapag nakita ko siya, ihihingi kita ng autograph!" pangako ko sa kanya.

Pwedeng-pwede ko na ngang i-text si Kirby ngayon at sabihing magpadala siya ng autograph kay insan kaso baka makahalata itong si Anna.

"Talaga po?!  Waaaaaahhhh! Salamat ate Zoey! Tatanawin kong utang na loob sa'yo kapag nagkaroon ako ng authograph kay oppa Kirby!"

"Sige pangako ko sa'yo iyan. Bago ako umuwi sa Manila, ipapadala ko sa'yo ang autograph niya."

"The best ka ate Zoey! Tama nga si Xayvion, napakabait mo!"

Speaking of Xayvion!

"Malayo ba ang bahay nila Xayvion dito? Gusto ko sanang makita ulit siya bago ako pumunta sa kanilang isla."

Nag-aalala ako na baka ito na ang huling beses na makatuntong ako sa bayang ito. Sigurado kasing chopper na ang sasakyan ko pabalik ng Manila at hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakaroon ng free time na makapagbakasyon.

Sobrang hectic pa naman ng schedule ko. Kung hindi dahil kina Pau, hindi ako mapapapunta dito. Wala talaga ito sa plano ko pero aaminin ko, nag-enjoy ako.

Sa maikling panahon, nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang mababait na tao dito sa San Roque.

"Medyo may kalayuan po e. Nasa bandang itaas pa po ng bundok ang bahay nila. Nakikita ninyo po ba iyong napakagandang bahay na iyon? Iyon po ang bahay nila!" sagot niya habang tinuturo ang napakagandang bahay sa taas ng bundok malapit sa amin.

"Ang ganda nga," humahangang sambit ko habang natatanaw ko ang anino ng tatlong tao na masayang naghahabulan sa labas ng bahay.

Nakakasigurado ako na si Xayvion iyong batang natatanaw ko at malamang na mga magulang niya iyong dalawang kasama niya.

Napakaganda nilang pagmasdan. Sana kapag nagkaroon ulit kami ng anak ni Xavier, maging kasing saya nila kami.

I really miss my husband...

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon