Zoey-294

1K 32 16
                                    

Nire-review ko ang monthly sale ng Montereal Industry nang bigla na lang may padabog na pumasok sa loob ng office ko.

"My gosh Zoey! What the heck are you still doing here? Kanina pang naghihintay iyong chopper natin sa rooftop!" maarte at masungit na tanong ni Pau habang naka-cross armas.

Tinignan ko lang siya sandali pero muli ko ring binalik ang atensyon ko sa aking binabasa.

So, effective ang naging market strategy ko kasi tumaas ng 40% ang sales namin ngayong buwan.

Ano kaya kung offer-an ko ng business proposal ang company ng parents ko tapos company nila insan Grandy at Kirby? For sure mas magiging sikat ang Montereal Industry kapag nadikitan kami ng iba pang kilalang kompanya.

Magiging proud sa akin si bebeh ko nito pagbalik niya. Malalaman niyang inalagaan ko ng maayos ang kompanya niya.

"Tama. Tama. Ganoon ang gagawin ko," tumatangong sabi ko.

"Hello universe to Mrs. Mendez!" halatang nauubusan ng pasensyang bulyaw ni Pau na ngayon ay nakapamaywang na sa harapan ko.

"You go ahead, Pau. Can't you see? I'm busy," pagtataboy ko sa kanya bago ako tumayo at pumunta sa mini kitchen ng office ko para kumuha ng maiinom.

"Ano, ka-career-in mo na talaga ang pagiging acting Chairman nitong Montereal Industry? Utang na loob, give yourself some break! 'Wag kang kj! Sasama ka sa amin!" tapos bigla niya akong sapilitang hinatak palabas ng pinto.

"Pass talaga muna ako ngayon Pau. Next time na lang. May report pa akong kailangang tapusin e," patuloy na tanggi ko habang naghahanap ako ng makakapitan kasi kinakaladkad na niya ako palabas.

"No way! Paano ko na lang ide-date si Nicolo kung andito ka? Alam mo namang lagi iyong nakabuntot sa'yo.  Sasama lang siya kung kasama ka. Kaya no choice ka kung hindi sumama sa amin!"

"Ay iyon, lumabas din ang katotohanan. Gusto mo lang akong sumama dahil may hidden agenda ka kay Nicolo," pang-aasar ko sa kanya.

"And so? At least ako prangka akong tao.  Kapag gusto ko, gusto ko. Hindi ako pabebe."

Ouch teka. Ang sakit noon ah.  Pabebe ba ako?

Kahit kailan talaga taklesa ang bunganga nitong si Pau.

"Dali na kasi sumama ka na. Mag-boy haunting tayo doon para maka-move on ka na kay Xavier!"

"Nope.  Hinding-hindi ko ipagpapalit ang bebeh ko," umiiling na sabi ko.

"Masyado ka ring loyal e. Hindi ka nga sure kung hanggang ngayon loyal din siya sa'yo."

Natigilan ako sa sinabi niya.

Sabi ko naman sa inyo e, wala siyang pakundangan kung magsalita.

Pero what if nga, 'no?

What if may iba na pala si Xavier kaya hindi na siya nagpaparamdam?

Tulala akong napailing.

No.

Imposible.

Hindi ganoong tao ang bebeh ko.

He's not the kind of guy who will ask someone for a marriage then will leave his wife just for another woman. He's definitely not the type of person who will cheat.

He's Xavier Mendez. An almost perfect guy indeed.

"I'm sorry,  napasobra ata ako," hinging paumanhin ni Pau habang binibitawan ako.

"No need, okay lang ako. Alam ko naman na nagbibigay ka lang ng opinyon.  Besides, you're not the only person who told me that," pilit ang ngiting sabi ko kahit na gustong-gusto kong umiyak ngayon.

Halos lahat sa paligid ko ganoon ang sinasabi. Na baka nasa ibang bahay na si Xavier kaya hindi na umuuwi sa akin.

Kahit paramdan nga lang kung buhay pa ba siya, hindi niya magawa.

Masakit...

Pero asawa niya ako, I need to trust him --I want to.

I am going to trust him even though the world are against it. I'm not Mrs.  Xavier Mendez for nothing.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon