Zoey-284

1.3K 30 2
                                    

Nicolo was still my personal bodyguard.  He and his bestfriend Aliyah, gave us a big help para mas mapadali ang pag-solve sa tunay kong katauhan. Ibinigay kasi nila sa akin ang mga ebidensya na magdidiin kay daddy Armand at President Benjamin.

Gusto sanang kasuhan nila Papa si President at daddy, pero nakiusap ako na idaan na lang sa maayos na usapan. Umalis nga ako ng Pilipinas 7 years ago,  para protektahan si daddy kaya pro-protektahan ko din siya sa parents ko.

"Buddy-buddy kami nitong si Spike kaya walang problema kahit isang taon mo pa siyang iwanan sa akin," sagot ni Nicolo habang hinahaplos ang mga balahibo ni Spike.

Tungkol naman sa tangkang pagpapatay ni President kina Grandy at sa akin, pinalagpas na lang namin ni insan. Natatakot kasi kami na maungkat sa publiko ang tungkol sa BMA kapag pinalaki namin ang issue. Humingi naman ng sorry sa amin si President at nangakong hindi na siya ulit gagawa ng mali upang maging karapat dapat siyang Presidente ng Pilipinas.

"Teka, tama ba iyong narinig ko kanina? Ikakasal na kayong dalawa?" tuwang-tuwang tanong niya kina Fritz at Elle na agad naman nilang sinagot ng mabilis na tango.

"Sa wakas! Napagod din kayo sa pagiging manhid!" pang-aasar niya habang sinasabayan ng malakas na tawa.

Nakakahawa ang tawa ni Nicolo kaya hindi ko na rin napigilan ang sarili kong tumawa.

Matagal na naming napapansin na may chemistry sina Fritz at Elle pero dahil lagi silang magkaaway, hindi namin inaasahan na bigla silang magdedesisyong magpakasal.

Sabagay, iyong kasal nga rin namin ni Xavier noon biglaan din.

"Ano iyong naririnig namin na may ikakasal? Sino ang ikakasal?" halos sabay na tanong ng mga bagong dating na sina Zac at Ara.

"Kami!" sagot naman ng isa pang pares ng bagong dating na si Shazsnay at insan.

Karga-karga ni Grandy ang super cute nilang baby na si Gavin.

"Ano? Kayo ulit ang ikakasal? Kayo ulit? Kayo lang ba ang may karapatang ikasal, ha? Give chance to others naman!" mataray na reklamo ni Ara.

"Ang aga-aga, ang taray-taray mo na naman. Inggit ka lang kasi ako may forever na, ikaw wala pa," parang batang pang-iinggit ni Shazsnay habang inihihilig niya ang ulo sa balikat ni insan.

"Excuse me lang ha. For the record, ako ang unang inaya ng kasal ni Grandy. Kung pumayag ako noon, malamang na ikaw ang walang forever ngayon," naka-cross arms na paalala ni Ara.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa at mukhang magsisimula na naman silang magkainitan, mabuti na lang at biglang ninakawan ni insan ng halik sa labi si Shazsnay kaya nabaling ang atensyon niya.

"Grabe hindi na kayo nahiya sa anak ninyo!" tumatawang kantyaw ni Fritz

"Sorry, can't help it. Selosa itong Snail ko, ayaw ko lang na makaramdam siya ng insecurity."

"Ang sweet-sweet mo na talaga Grandlolo, sundan na kaya natin si Gavin mamayang gabi," pilyang sabi ni Shazsnay habang humahagikhik.

Hindi nakaligtas sa amin ang pag-irap ni Ara kaya mas lalong napuno ng tawanan ang paligid.

"Ayain mo na rin kasi ng kasal si Ma'am Ara, Sir Zac," pang-aasar ni Nicolo na siyang naging dahilan ng pamumula ng pisnge ni Ara.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon