Ara-314

886 24 1
                                    

"Guys, nakita ninyo ba si Fritz?" tanong ni ate Elle sa amin pero parang walang narinig ang mga kasama ko kasi wala man lang pumansin sa kanya.

Abala si Kirby sa starfish na hawak niya.

Si Pauline naman, ayon nilalandi ang body guard ni ate Zoey.

Tsk. Kahit na step sister siya ni kuya Xavier, hindi ko talaga siya basta matatanggap bilang pinsan. Saksakan ng arte!

"Oh my gosh, Nicolo! Don't! I'm scared with that!" tili ni Paine habang tumatakbo palayo kay Nicolo at sa hawak nitong alimango.

"Huwag kang matakot dito, kumakain ka nga nito!" sigaw naman ni Nicolo habang hinahabol si Pauline.

"Ang lalandi!" naaalibadbadrang reklamo ko bago umirap.

Mukhang mali atang sumama ako dito. Imbes na ma-relax, na-stress lang ako lalo.

"Guys, naman oh! Sagutin ninyo ang tanong ko!" medyo naiiyak ng pakiusap ni ate Elle kaya napilitan akong alisin ang shades ko para tignan siya.

"Hindi ko alam kung asan si kuya Fritz," sagot ko sa kanya.

"Baka kung napaano na iyon. Kanina ko pa siyang hinahanap. Nilibot ko na rin itong buong resort pero hindi ko siya makita."

"Parang nakita ko siya kaninang may kausap na bangkero. Baka naman sumama sa pamamangka sandali," singit naman ng bagong dating na si Zac.

Halatang bagong paligo siya dahil amoy na amoy ko ang sabon niya.

He smells so good and I hate it!

"Ganoon ba? Hindi kasi siya nagpalaam sa akin."

"Kalma lang Elle, malaki na si Fritz. Hindi iyon basta mapapahamak," payo niya habang inaalalayan si ate Elle paupo sa tabi ko.

"E, sina Shazsnay at Grandy nakita ninyo?"

"Baka nasa kwarto nila, gumagawa ng bata," sarcastic kong sagot bago muling isinuot ang shades ko at tumalikod ng higa.

Nagpapa-natural tan ako at goal kong maging morena pag-uwi sa Manila pa.

"Watch your mouth, Ara!" nakapamaywang na sermon sa akin ni Zac.

"What? Totoo naman ah. I heard it directly from Grandy earlier," pagtatanggol ko sa sarili.

"Hindi bagay sa'yong nagsasalita ng ganoon. You're sounding like a bitch."

"Well, ganito na talaga ako noon pa. I don't care if you don't like it," mataray kong sabi bago tumayo.

Nawalan na ako ng ganang magpa-tan. Magkukulong na lang ako sa kwarto ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may biglang kumapit sa kamay ko.

"Ano ba talagang problema mo? Bakit ka nagkakaganyan?" he asked with too much frustration.

"Kung ano mang problemang meron ako ngayon, wala ka nang pakialam doon," matigas kong sabi bago sapalitang binawi ang kamay kong hawak niya.

"I do care! I want to care because it's you! Tangina! Kung ibang tao ka lang, wala talaga akong pakialam diyan sa mga kaartehan at kadramahan mo!"

"Wow! Sa'yo pa talaga nanggaling iyan?! Kung naaartehan at nadradramahan ka pala sa akin, pwes layuan mo na ako!" nanggigil sa galit na sigaw ko.

Ang tagal-tagal na naming nagsasama tapos ngayon niya ako susumbatan na maarte at madrama ako? Fuck him!

"It's not what you think, Ara. Wala namang kaso sa akin ang ugali mo kasi tanggap kita!"

"So, utang na loob ko pa ngayon na tanggap mo ang masamang ugali?!"

"Fuck, yes! I mean, no! Haist!"

Padabog akong naglakad palayo sa kanya kaso mukhang nananadya siya dahil sinusundan niya ako.

"Sundan mo pa ako, uuwi talaga ako sa Manila ngayon," banta ko sa kanya habang nakatalikod.

"Ano ba kasi talagang problema, Ara? Is it about my marriage proposal with Francesca? Sabihin mo lang kung tutol ka at sisiguraduhin ko sayong walang kasalang magaganap sa amin."

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon