Xavier-309

1.1K 31 23
                                    

"Sigurado ka bang hindi ka sasama? Baka hapunin na kami ng uwi," muling pagtatanong ko kay Ynggrid habang hinhatid niya kami palabas ng bahay.

Sobrang excited si Xayvion na makarating sa bahay nila nanay Isa kaya ayon, tumakbo na palabas.

"Yeah, I'm sure. Don't mind me. Ikaw na rin ang nagsabi, I need a rest. Plano kong matulog maghapon. Ingat kayo nang anak natin. Enjoy!"

"What do you want for dinner? Mamalengke na kami bago umuwi."

"No need for that. Marami pang laman ang ref natin. At dahil rest day ko ngayon, ako ang magluluto ng dinner natin mamaya!"

"Wow! Talaga po mama?!" singit ni Xayvion sa usapan habang tumatakbo palapit sa amin.

"Akala ko ba nagkasundo na tayo na hindi ka sisingit sa usapan naming matatanda?" paalala ko sa kanya habang naka-cross arms.

"Sorry po, papa! Na-excite lang po kasi ako noong marining ko na ipagluluto tayo ni mama! Sobrang na-miss ko na po kasi ang luto niya!"

"Ibig sabihin, nagsasawa ka na sa luto ko?" may halong pagtatampong tanong ko.

"Hindi naman po sa ganoon papa, pero parang ganoon na nga!" pagkatapos ay binelatan na naman niya ako at agad na tumakbo palaho

"Aba't!  Kung ano-ano na talagang kalokohan ang natututunan mo!" natatawang sermon ko habang hinahabol ko siya.

Masyado siyang maliksing kumilos kaya mahirap siyang habulin kapag tumatakbo pero mas mautak pa rin ako sa kanya kaya lagi ko siyang naabutan.

"Pasaway ka talaga!" sabi ko habang kinikiliti ko siya sa leeg.

"Mama si papa, oh! Mama tulong!" sigaw niya habang tumatawa ng sobra lakas.

Tumakbo na rin si Ynggrid palapit sa amin kaya ang akala ko, ililigtas na niya si Xayvion iyon pala tutulungan pa ako sa ginagawa kong pagkiliti.

"Waaaaaahhhh! Mama, papa! Tama na po, hindi ko na kaya!"

Masyadong nakakahawa ang mga tawa niya kaya hindi na rin namin napigilan ni Ynggrid na tumawa ng malakas.

Noong pare-pareho kaming napagod sa kakatawa, sabay-sabay kaming napahiga sa damuhan. Maraming puno dito sa paligid ng bahay namin kaya kahit tanghali na, malimig pa rin ang simoy ng hangin.

Bahagya akong nagulat nang bigla na lang sumiksik si Xayvion sa may leeg ko at yakapin ako ng sobrang higpit.

He never failed to give me an unstable heart beat. Dati kay Abby ko lang nararamdaman ang ganitong tibok ng dibdib, ngayon dalawa na sila.

"Baka nauuhaw kayo, ikukuha ko kayo ng tubig," paalam ni Ynggrid bago siya tumayo at pumasok sa loob ng bahay.

"Papa..." malambing na bulong niya sa tapat ng tenga ko.

"Bakit?"

"Alam mo po ba na noong pumunta kami ni mama dito sa Pilipinas, akala ko magiging sobrang lungkot ko kasi lahat ng kaibigan ko naiwan sa America. Pero noong sinabi po ni mama na titira kami sa bahay kasama ka, natuwa po ako ng sobra! Matagal ko na po talagang pangarap na magkaroon ng papa. Wala na po akong pakialam kahit na hindi na ako makabalik sa America basta makasama lang kita. May mga bago na rin naman po akong kaibigan sa bago kong school kaya okay na po ako roon!"

Again, I don't know how to react on what he have said.

"I love you," iyon na lang ang nasabi ko habang ginagantihan siya ng mahigpit na yakap.

Mula sa 'di kalayuan, natatanaw ko ang bahay nila nanay Isa at napansin kong kanina pang may bulto ng babaeng nakatayo roon at nakatingin sa direksyon namin.



(A/n: Kamusta ang mga puso guys and gals? Keri pa? HAHAHAHAHA!)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon