Zoey-322

1K 22 10
                                    

"I don't think I can afford to wait for that god damn doctor! Anemic ang asawa ko, hindi siya pwedeng mag-bleeding ng matagal, we need to bring her in the nearest hospital right away!" natatarantang sigaw ni insan habang hindi siya magkandaugaga sa pag-aasikaso kay Shazsnay.

"Malayo ang hospital dito. Kinakailangan pa nating pumunta sa kabilang isla para doon sumakay at ilang oras pa ring byahe iyon mula doon. Mas maganda siguro kung dayuhin na lang natin and bahay noong doctor na sinasabi nila. Siguro naman may mga gamit siya sa bahay niya para mabigyan ng first aid treatment si Shaznay habang kino-contact ko iyong chopper na pwedeng maghatid sa atin sa hospital."

"Sige, basta matignan lang muna siya at mag-stop ang bleeding niya!" sang-ayon ni insan habang kinakarga si Shazsnay.

Agad naman siyang tinulungan nila Nicolo, Fritz at Zac sa pagbubuhat para mapabilis ang pagtakbo namin papunta sa bangkang sasakyan namin.

Lagpas alas nuwebe na nang gabi kaya medyo malakas na ang alon sa dagat pero hindi na namin alintala iyon basta ang mahalaga ay matignan agad ng doctor si Shazsnay.

Sinusubukan siyang gisingin ni insan pero hindi talaga siya magising kaya kinakabahan na kami kung okay pa siya o hindi na.

Habang pinupunasan naman nila Ara at Pau ang binti ni Shazsnay na puno ng dugo.

"Hindi kaya nabinat siya? Kapapanganak lang niya kay Gavin tapos sinama agad natin siya sa outing," panghuhula ni Elle.

"Posible. Baka hindi pa fully recover ang katawan nya sa panganganak. Sobrang selan pa naman niya noong nagbubuntis siya," sang-ayon ko.

"Fuck! Bakit hindi ko agad naisip iyon?! Paano kung na-infection pala siya kaya siya nagble-bleed?" wala na sa sariling sabi ni insan habang naghahalo na ang kanyang pawis at luha.

"I guess, tumigil na ang pagble-bleeding niya," pag-iimporma ni Pau.

"Mabuti naman kung ganoon, nagpapasalamat na sabi ko dahil kahit papaano nabawasan ang kaba namin.

Ang kailangan na lang naming alamin ngayon ay kung bakit siya nahimatay at nag-bleed.

"Pwede bang i-check ko lang sandali kung normal pa ang heartbeat niya? May konti akong alam sa ganito kasi tinuturo ito sa amin sa military," pagboboluntaryo ni Nicolo habang nilalapatan niya si Shazsnay at agad na pinakiramdaman ang pulso.

"Kamusta?" hindi mapakaling tanong ni insan.

"Normal pa naman ang heartbeat niya."

"Thank God!" we praised in chorus.

Pagdating namin sa kabilang isla ay agad kong tinakbo ang bahay nila nanay Isa. Agad naman akong hinabol ni Kirby para alalayan.

Nakakatuwa lang, even in this kind of situation hindi pa rin nawawala ang pagiging gentleman niya.

"Hey Zoey, look at me. Kalma ka lang, okay? Hindi pwedeng natataranta tayong lahat," pagpapakalma niya sa akin habang tinatapik ng bahagya ang likod ko.

Sunod-sunod akong tumango sa kanya at magkahawak kamay naming  pinuntahan ang bahay nila nanay Isa at sabay na kinatok.

"Sandali lang po!" narinig kong sigaw ni Anna habang palapit ng palaoit ang yabag ng mga paa niya sa pintuan.

"Ano pong kailangan nin--," pumupungay na bungad niya habang itnatapat ang dalang lampara sa amin pero hindi na niya natapos ang sasabihin noong makilala niya ang lalakeng nakatayo sa harap niya.

Muntik pa niyang mabitawan ang lamparang hawak, mabuti na lang at mabilis na nahagip ni Kirby ang hawakan noon.

Crush na crush nga pala ni Anna itong si Kirby. Haist. Bakit nawala sa isip ko iyon? Baka isipin niyang sinungaling ako kasi itinanggi kong kakilala ko si Kirby.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon