Xavier-320

1K 21 19
                                    

"How was your day, little guy?" tanong ko kay Xayvion habang tinutulungan ko siyang hubarin ang t-shirt na suot niya kasi naihanda ko na ang pampaligo niya.

"Umalis na po siya, papa," malungkot niyang sagot.

"Huh? Sino?" kunot noong tanong ko.

"Iyong crush ko po."

Gusto kong matawa pero pilit kong pinigilan kasi baka ma-offend siya. Hahahahah!

"Okay lang iyan. It's normal. People come and go," pagpapalubag loob ko habang tinatapik ang balikat niya.

"Hindi ko po alam kung babalik pa siya. Babalik pa po kaya siya?"

"We never know," kibot balikat kong sagot na naging dahilan para mas lalo siyang malungkot.

Uh-oh, mukhang maaga atang magiging broken hearted ang anak ko.

"Pwede ba, cheer up! Marami pa namang iba diyan."

"Pero hindi lahat katulad niya," sagot niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Sabagay, may punto siya.

Bakit pakiramdam ko madalas mas matured pang mag-isip sa akin itong si Xayvion?

"Papa..."

"Yes?"

"Naranasan mo na po bang magmahal ng ibang babae maliban kay mama?"

Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko sa tanong niya.

Sa totoo lang, kinakabahan ako kung paano siya sasagutin.

Bata pa siya, hindi niya pa ako maiintindihan.

"Alam mo, napapasobra na iyang pagbabasa mo ng mga comics books kaya kung ano-ano na iyang mga tanong na naiisip mo. Maligo ka na ang asim-asim mo na," pagtataboy ko sa kanya habang tinutulak ko siya papasok sa loob ng cr.

"Wala naman pong ganoon sa comics books ko saka puro super hero iyon!"

"Kaya nga maligo ka na. Walang super hero na maasim!"

"Papa!"

"Magkuskos ka ng maigi, okay? Ihahanda ko na iyong dinner, sumunod ka na lang sa baba pagkatapos mo," bilin ko bago tuluyang isinara iyong pinto ng cr nya.

Paglabas ko ng kwarto, bigla akong napaatras noong mapadaan si Ynggrid sa harapan ko.

"Takot na takot ka ata sa akin?" she asked with sarcasm.

"Please Ynggrid, don't start an argument," sumusukong pakiusap ko kasi ayaw ko talaga ng away.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay tinitigan lang niya ako ng masama at nilagpasan sa paglalakad.

Napabuga ako ng hangin habang sinusundan siya sa paglalakad pababa ng hagdan.

"Narinig ko ang usapan ninyo," pagbubukas niya sa usapan.

"Alin doon?" inosenteng tanong ko.

"Bakit hindi mo masabi sa anak natin?"

"Ang alin?" kunot noo nang tanong ko kasi ang dami pa niyang paligoy-ligoy, hindi na lang ako diretsahin.

"Damn, Xavier! Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko!"

"Sa tingin mo ba, tatanungin kita kung alam ko?" naiinis nang tanong ko kasi nagsisimula na naman siya ng away.

This is one of the problem kung bakit kami naghiwalay noon.

Bukod sa gumawa siya ng kwento na nabuntis siya ng ibang lalake which eventually aaminin din pala niya na ako ang totoong ama, ang hilig niyang makipag-away. Maliit na bagay lang, lagi niyang pinalalaki. Lahat na lang sa kanya, issue.

"Bakit hindi mo sabihin kay Xayvion iyong totoo na bukod sa akin, may iba ka pang babaeng minahal? Na siya ang babaeng mas mahal mo! Na pinakasalan mo siya, habang kami ng anak mo ay itinatago mo dito sa isla?"

Gusto ko siyang sagutin pero mas pinili ko na lang na manahimik para hindi na lumaki ang away.

"Xavier, hindi namin deserve ito! Hindi ako papayag na itatago mo kami habambuhay! You should start deciding now. Hihiwalayan mo ba ang asawa mo o tuluyan kong ilalayo sa'yo si Xayvion?"

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero sabay kaming nagulat noong sumara ng malakas ang pintuan ng kwarto ni Xayvion.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon