Shazsnay-279

1.5K 45 31
                                    

5 weeks later...

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na hindi nga ako pwedeng umuwi sa Pilipinas!  Hindi! Hindi!  Hindi pwede!" nanggagalaiting sigaw ko bago ko ibinaba ang tawag at padabog na itinago ang cellphone ko sa bulsa.

I'm so sick of everything!

Hanggang ngayon hindi pa rin nagigising si Grandy. Tapos sumabay pa ang problema sa Pilipinas.

I can't believe it. Hindi raw tunay na Sebastian si ate Calire at nagkakagulo ngayon ang mga board of directors namin. Ayaw nilang ipagkatiwala kay ate Claire ang management ng company.

Gusto nilang umuwi ako sa Pilipinas para ako na ang mag-manage. But I can't do that.

Anong kinamalayan ko sa pagma-manage ng company?  Hindi naman ako kasing talino nila Grandy at ate Claire. Namumutawi nga ang 3.00 sa class card ko noong college.

Besides, wala namang issue sa akin kung hindi man tunay na pinsan ni Grandy si ate Claire.  Ang mahalaga ay iyong mga pinagsamahan namin. Alam ko naman through out this years ay tinuring niyang tunay na pamilya ang mga Sebastian at hindi niya iyon basta-bastang kalilimutan.

Isa pa, andito sa America ang asawa ko.  Hindi ko siya kayang iwan dito lalo na sa kalagayan niya ngayon.  Gusto ko nasa tabi lang niya ako lagi.

Kung hindi lang talaga siguro dahil sa anak namin ni Grandy, malamang na matagal na akong bumigay. Hindi ako sanay ng ganito.

For all this years, Grandy was always on my side. He's my troubleshooter. Wala akong problemang hindi nasusolusyonan dahil lagi siyang nakaalalay.

But now...

Napalingon ako sa kinahihigaan ni Grandy. He's still on coma.

Akala ko mapapabilis ang paggaling niya kapag dinala ko siya dito sa America, pero parang wala namang epekto.

"Grandy..." malambing na tawag ko sa kanya habang kinakapitan ko ng mariin ang kamay niya.

"Gumising ka na please... I need you. We need you..." sabi ko habang pinahahaplos ko sa kamay niya ang tiyan ko.

Medyo lumalaki na ang tiyan ko kaya marami ng nakakahalata na buntis ako.

"Iyong kompanya na pinaghirapan mo, nagsisimula ng malugi. Sobrang nagkakagulo na sila ngayon sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," naiiyak na sumbong ko sa kanya.

"I'm sorry, hindi kasi matalino at matapang ang babaeng pinakasalan mo. Siguro nga tama ka, engot ako. Mahina ang loob. Wala akong kwentang asawa."

Akmang pupunasan ko sana ang mga luha ko noong may biglang gumalaw sa tiyan ko.

"Naramdaman mo ba iyon, Grandlolo? May sumipa sa tiyan ko! Sumipa ang anak natin!" umiiyak sa tuwang sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.

Ganito pala ang pakiramdam na maging ina. Nakakabaliw. Ang sarap humaguhol sa iyak dahil sa sobrang saya.

Hindi pa ako nakaka-get over sa unang beses ng pagsipa ni baby noong may biglang kumapit sa tiyan ko.

"B--buntis ka?" malat ang boses na tanong niya habang unti-unting sumisilay ang ngiti sa mga labi.

Mas tuluyan akong napahagulhol dahil sa halo-halong emosyon.

"Grandlolo ko!" sigaw ko bago ko siya biglang niyakap ng mahigpit.


(A/n: Naloloka na ba kayo sa kwento nila? Pwes ihanda ninyo na ang sarili ninyo dahil siguradong ma maloloka kayo sa mga susunod kong update! Hahahah! Please don't be shy to share your thoughts. Friendly po ako. Nakikipagkwentuhan ako sa comment box. ^_^)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon