Kirby-278

1.5K 36 22
                                    

Ilang beses na akong pabalik-balik na naglalakad sa may pintuan hanggang sa may hagdan.

Pinag-iisipan kong mabuti kung aakyat ba ako sa taas kung saan natutulog si Claire, o maghihintay na lang ako na magising siya at kusang bumaba?

Sobra akong nag-aalala sa kalagayan niya ngayon. Lalo na at hinimatay siya dahil sa sobrang stressed.

Pero may asawang tao na siya, hindi na ako pwedeng mangialam basta sa kanya.

"Haist!" I sigh out of my frustration.

"Gusto mong mag-kape?" nakakagulat na tanong ni Xavier habang nakatayo siya sa labas ng pintuan noong kwarto nila ni Claire.

Tahimik lang akong napatango bago nagpatiuna sa paglalakad papuntang kusina.

Narinig ko ang mga yabag ng paa niya pababa ng hagdan at mayamaya pa ay andito na rin siya sa kusina.

"3 in 1 coffee lang meron ako, okay lang sa'yo?" tanong niya habang ipinapakita iyong pakete ng kape.

Gaya kanina, tahimik lang din ulit akong tumango.

Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito makipag-usap si Xavier sa akin. Alam ko naman kasi kung gaano kalaki ang galit niya sa akin dahil minsan kong inagaw si Claire, noong mag-boyfriend at girlfriend pa lang sila.

"Gaano ka kasigurado sa mga pinagsasabi mo kanina?" seryosong tanong niya habang inilalapag ang tasa ng kape sa harapan ko.

Ngumiti muna ako ng pilit habang inaalok siya ng kape, pero sinenyasan niya ako na tapos na siya.

"I confirmed it from tito Armand. Inamin niya na sa akin ang lahat. Plano naman na daw talaga niya iyong sabihin kapag dinalaw ninyo siya ni Claire. Pero mukhang natagalan kayo dito sa Pilipinas at nagsabay-sabay pa ang mga problema ninyo, kaya ayon hindi niya muna sinabi."

Napansin ko ang pagpikit niya ng mariin at  ang mahigpit na pag-ikom ng kanyang kamao.

"Why do you keep on interfering with my wife's life? Bakit lagi mo na lang akong pinangungunahan? Kung may alam kang ganyan, sana man lang ako muna ang kinausap mo. Ako iyong asawang lalake, pamilya naming mag-asawa ang pinag-uusapan dito. Higit sa lahat, ako ang may karapatang mag-desisyon kung kailan at sa kung anong klaseng paraan dapat malaman ni Abby ang tungkol dito."

Para akong biglang binuhasan ng isang timbang yelo dahil sa mga sinabi niya.

Tama siya, hindi nga ako dapat nakikiaalam sa problema nilang mag-asawa. Siya ang asawa, kaibigan lang ako.

"Umamin ka nga sa akin Sandoval, may gusto ka ba sa asawa ko? Iyong pagpapanggap ninyo ba noon, may malisya ba sa'yo? Minahal mo ba siya ng higit pa sa kaibigan? Mahal mo pa ba siya?" mahina ngunit mariin ang mga salitang tanong niya.

Parang sasabog na ako sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko rin siya magawang tignan sa mga mata dahil para akong sinisilaban ng buhay sa klase ng tingin niya.

"Answer me!" may awtoridad na utos niya na siyang biglang nagpataranta sa akin.

"Oo, mahal ko si Claire. Mas mahal ko siya ng higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa kanya," matapang na sagot ko habang sinasalubong ang nakakamatay niyang tingin.

Claire was my one that got away. I treasure her so much. But I knew, she would never love me the way she loves her husband.

Ilang minuto kaming binalot ng matinding katahimikan.

Sa isang iglap, biglang nawalan ng emosyon ang kanina'y galit na galit niyang mukha.

Gusto ko siyang basahin pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya ngayon.

I honestly feel scared to him right now. Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako at bugbugin, kaysa iyong ganitong nananahimik siya at binibigyan ako ng blangkong ekspresyon.

"I'm leaving her to you then," pagbabasag niya sa katahimikan bago biglang tumayo at iniwan akong nakatulala.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon