Zoey-297

1K 32 37
                                    

KINABUKASAN

"Thank you so much for the business, Miss Lopez. We're really looking forward on this project!"

"The pleasure is mine, Mr. Yamamoto," ubod ng laking ngiting sabi ko habang nakikipagkamay.

Pagkatapos ay kinawayan na niya ako bilang pamamaalam.

Hinintay ko munang makasakay si Mr. Yamamoto at tuluyang makaalis bago ko pinakawalan ang isang napakalalim na buntong hininga.

"That was tough!" medyo nanghihinang sabi ko habang inaabot ang baso ng tubig sa harap ko.

"Congratulations ma'am! Akala talaga namin kanina magba-backout na si Mr. Yamamoto," hindi rin makapaniwalang sabi ng buong team ko.

"Kaya nga e. Ang hirap pa naman niyang kumbinsihin. Dapat ata, hindi ko pinayagan si Pau na umalis kahapon."

"Speaking of ma'am Pauline! 'Di po ba Miss Zoey, susunod ka ngayon sa island na pinuntahan nila?"

"Oh my gosh! Oo nga 'no?!  I have to go! Siguradong hinahanap na nila ako!" nagmamadaling paalam ko bago ako tumakbo palabas ng resto.

Habang nagmamaneho ako biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot at ni-loud speaker.

"Yes, hello? Sino po sila?" alanganing tanong konkasi unregistered number.

"Ma'am Zoey, this is Captain Harry. Ako po ang naka-assign na piloto mo ngayong araw---"

"Oh, I'm so sorry for waiting. On the way na po ako!" putol ko sa pagsasalita niya.

"Actually that's the problem ma'am. Ngayon lang po napansin ng mga aircraft technician namin na may problema ang helicopter na sasakyan natin. We cannot fly today, ma'am."

Bigla akong napapreno sa narinig ko kasi siguradong gegerahin ako nila Pau kapag hindi ako nakarating sa island ngayon.

"Oh, I see... Wala na ba tayong ibang available, chopper?"

"As of now, wala po ma'am e."

Hindi ko napigilang mapabuga sa hangin.  I need to think an alternative way dahil kung hindi, siguradong hindi nila ako patutulugin magdamag.

Knowing them, kokonsensyahin na naman nila ako.

"Alright, I understand Captain. Pero meron ka bang masa-suggest na way para makarating ako sa Heaven Island ngayon?"

"What if i-try mo pong pumunta sa airport kung may available flight sila malapit sa Heaven Island?"

"Yeah, that would be good. I'll try that. Thanks!" then I hang up the call.

I immediately drove to the airport, good thing they have an available seat for me.

Pagkalabas ko ng airport, nagtanong-tanong agad ako kung paano ba makakarating sa Heaven Island at lahat sila halos pare-prehas ng sagot...

"Naku hija, huwag mo ng pangarapin na makarating doon. Suntok sa langit na makapunta doon ang tulad nating mga simpleng tao lamang. Hahahahah!"

"Mayaman ka ba? Mag-asawa ka muna ng kano bago mo itanong kung paano makapunta doon!"

"Mamamatay na lang kami lahat-lahat, hanggang sulyap lang sa islang iyan ang kaya naming gawin," may halong lungkot na saad ng dalagitang si Anna habang nakatanaw sa kabilang isla.

Sa wakas!  Nakarating din ako sa bayan ng San Roque at mula rito, tanaw na tanaw namin kung gaano kaganda ang tinaguriang Island of the billionaires!

Gustuhin ko mang tawagan sina Kirby para magpasundo, na-lowbat ang phone ko at nalimutan kong magdala ng power bank. Wala ring kuryente sa bayang ito kaya hindi rin ako makakapag-charge.

Haist. Mukhang mapipilitan ata akong magpalipas ng gabi dito ngayon. Sa kabilang bayan pa raw kasi ako pwede makigamit ng kuryente. Madilim pa naman na ang daan at wala na ring sasakyang bumabyahe.

For sure, nagwawala na sila Kirby ngayon sa kakahanap sa akin.

"Hi, ate!"

Napalingon ako sa boses ng batang lalake na tumawag sa akin at halos tumalon ang puso ko noong mapagmasdan ko siya.

"Ako po si Xayvion, ikaw po? Ano pong pangalan mo?"

(A/n: I really do apologized for the slow update. Super busy ko lang talagaaaaaaa!  😭😭😭 My schedule was so tight. Please understand. Tatapusin ko po ito, promise. Patience lang.  Thank you! 😘😘😘)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon