Zoey-288

1.3K 32 19
                                    

"Seryoso ka ba diyan, pare?" hindi makapaniwalang tanong ni Fritz kay Zac habang tinititigang mabuti ang picture na pinakita ni Zac sa amin.

"We're dating on and off since last year. Hindi nga lang halata dahil pareho kaming busy and we also need to keep it private dahil agaw pansin kami sa paparazzi. But guys, she's the girl that I want to settle down with. I don't wanna lose her. That's why I proposed to her when we're in Maldives last month."

"You proposed last month?!" may kataasan ang boses na tanong ni Ara at halatang-halata ang matinding pagkagulat sa mukha niya.

Tahimik lang na tumango ng si Zac ng sunod-sunod.

"I remembered it..." nakatulalang sambit ni Ara habang tumatango at nakakuyom ang dalawang kamao.

"Birthday ko last month at hindi ka man lang nagpakita sa akin. You even forget to greet me. That was the time na nagpunta ka sa Maldives 'di ba? At hindi ko pa malalaman noon na nasa Maldives ka kung hindi ako nagpakalasing at nagwala sa bahay ng manager mo para lang sabihin niya sa akin kung nasaang lupalop ka ng mundo. Great! Just great, Zac! You're engage for a month already and yet, you didn't even bother to inform me!" punong-puno ng sarkastikong sabi ni Ara habang nanginginig siya sa sobrang galit.

"I'm so sorry, Ara... France, ask me to keep it secret to everyone. You know naman kung gaano kahigpit ang mga Victoria's Secret model. They are not allowed to date anyone as much as possible. Baka maapektuhan ang career niya kapag kumalat agad ang tungkol sa plano naming magpakasal. You're a model also, I know you would understand us."

"Nakakasama lang ng loob Zac... sobra...  Magkaibigan tayo 'di ba?  Halos tumira ka na nga sa unit ko e. Bakit hindi mo man lang ako nagawang pagkatiwalaan? Since last year pa kayo nagde-date? Fuck, Zac! Para mo na rin akong trinaydor ng isang taon! Naiintindihan kong may mga career kayong iniingatan pero sana man lang, naisip mo ang mararamdaman ko kapag nalaman kong pinaglilihiman mo ako. For the whole year, sobrang open ko sa'yo pagdating sa mga dine-date ko at akala ko ganoon ka rin sa akin, iyon pala pinagsisinungalingan mo ako all this time," may diin ang bawat salitang binitawan ni Ara habang nanginginig sa galit.

Agad akong nakaramdam ng kirot sa pinagdaraanan ngayon ni Ara kaya nilapitan ko siya at agad na niyakap.

Kahit naman kung ako ang nasa kalagayan niya, talagang sasama ang loob ko.  Para na kasi silang mag-bestfriend dalawa. Hindi mo nga sila basta mapapaghiwalay e, tapos malalaman mo na pinaglilihiman ka pala ng taong sobrang pinagkakatiwalaan mo.

Bigla ko na naman tuloy naalala si Xavier...

Kung sakaling malalaman ko na pinagtataksilan niya ako, siguradong hindi ko kakayanin...

Pero dahil mahal ko si bebeh ko, patuloy akong magtitiwala sa kanya.

Susuportahan ko ang mga gusto niya sa buhay...

Dahil ang tunay na nagmamahal, ibibigay ang magpapasaya sa mahal niya kahit na masakit ang maging kapalit noon.

And I love Xavier, more than anyone could do.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon