Zoey-290

1.1K 26 0
                                    

"Tsk. Tsk. Tsk. Kahit kailan talaga pare, mga wrong timing kayo kumilos. Manang-mana ka kay pareng Xavier e. Hindi ninyo ako gayahin, laging perfect timing. Next time, humingi kayo ng payo sa akin kapag may ganito kayong sudden announcement," naiiling na komento ni Fritz habang tinatapik ang balikat ni Zac.

"Pwede ba Fritz, tigilan mo iyang pagiging mayabang mo. Akala mo naman kung sino kang perfect. Kung hindi ako naawa sa'yo noong pinahirapan ka nila papa sa probinsya, malamang na hindi pa rin kita sasagutin hanggang ngayon," naka-cross arms habang nakataas ang kilay na panenermon ni Elle.

"Oy! Oy!  Oy! Bakit pakiramdam ko pinagtatanggol mo lang si pareng Zac?  Alam kong crush na crush mo siya dati pa, pero ako na ngayon ang husband-to-be mo kaya dapat sa akin ka kampi!" parang batang reklamo ni Fritz habang naka-pout.

"Husband-to-be pa lang, pwede pang mag-bago kaya mag-behave ka diyan," banta ni beshie.

Agad namang tumayo ng tuwid si Fritz at humarap kay beshie.

"Ma'am yes, ma'am!" sumasaludong sabi ni Fritz kay beshie.

Sabay-sabay kaming tumawa ng malakas sa inasal ni Fritz. Kahit kailan talaga sobrang witty niya. Hahahah...

"Grabe pare, hindi pa kayo kasal pero mukhang under ka na," pangungutya ni Zac habang namumula sa kakatawa.

"May problema ka ba sa mga under, kuya Zac?" nakapamaywang na tanong ni Shazsnay.

Oo nga pala, under din si insan. Hahahahah...

"Okay lang sa akin na under ako ng asawa ko, as long as napapasaya ko siya. Bukod doon, sigurado ako na hindi galit sa akin si Ara," ganting pang-aasar ni insan kaya naman si Fritz ngayon ang bumawi ng sobrang lakas na tawa.

"Buti na lang talaga ako, single. Walang kaproble-problema," pagmamayabang naman ni Nicolo habang pinapakawalan si Spike.

Agad namang tumakbo si Spike sa garden namin.

"Tigilan mo nga kami sa kadramahan mo Nicolo. Alam naman namin na may something sa inyo noong hilaw na kapatid ni pareng Xavier," pang-aasar na naman ni Fritz na siyang nagpatawa kina Zac at Elle.

"My gosh Nicolo! Never talaga namin in-expect na may magtatangkang mag-date kay Pauline. As in never!" exaggerated na komento ni beshie habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Ang oa mo naman. Pau is a beautiful and smart lady. Sigurado ako na maraming nagkakagusto sa kanya," defensive na pagtatanggol ni Nicolo kay Pauline.

"Yeah, right. Marami naman talagang nagkakagusto sa kanya.  In fact kasama siya sa top most beautiful young entrepreneur of the world. Iyon nga lang, sa likod ng maganda niyang mukha at matabang utak, kilala rin siya sa pagiging pinakamaldita, pinakasuplada, pinakamaarte, pinakamataray, pinakabossy---" hindi na pinatapos ni Nicolo si Fritz sa paglilintanya kasi bigla siyang sumingit sa pagsasalita.

"You might see her in those negative aspect but if you will try to know her more, you will found out that there is silly, innocent and sweet girl with a big heart, hiding on her fierce and intimidating face. All she needs is your understanding, and a chance to show her good side."

"Woah! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!" sabay-sabay na kantyaw namin habang pumapalakpak.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon