Zoey-283

1.7K 40 27
                                    

"Kinamalayan ko ba na gusto mo rin pala ako. Simula noong first year college tayo, wala ka nang ginawa kung hindi tarayan ako. Pero wait! Kung ganoon, ibig sabihin matagal ng tama ang mga sinasabi ko? Pakipot ka lang talaga sa akin? I knew it! Ikaw talaga ang patay na patay sa akin!" nagsisimula na namang pang-aasar ni Fritz.

Pinisil ng mariin ni beshie ang ilong niya kasi binu-bully na naman siya.

"Ehem! Konting bawas naman ng sweetness, respeto sa nagungulilang asawa tulad ko," pabirong sabi ko sa kanila pero sa totoo medyo seryoso ako doon.

Nakakaiingit kasi sila! Huhuhuhuhuh...

"Pwede ba beshie, wala pa ring tatalo sa tandem ninyo ni Xavier. From an annoying stalker to legal wife! O ha, saan ka pa? Siguradong maraming kababaihan ang naiinggit sa'yo at nagpapantasya na sana katulad mo, maging asawa din nila ang crush nila."

Nakaramdam ako ng kilig sa sinabi ni beshie. Parang dati lang, pinapangarap ko na maidugtong ang apelyido ni Xavier sa pangalan ko.  Ngayon, legal na akong Mrs. Mendez.

"Teka nga muna, paano ba kayo biglang nauwi sa engagement? 'Di ba last month lang, halos isumpa ninyo ang isa't isa?" kunot noong tanong ko kasi malinaw pa sa alaala ko ang pag-aaway nila sa loob ng bahay namin ni Xavier.

Nagalit si beshie noong buwan kasi nawalan siya ng kliyente dahil ni Fritz. Sa pagkakaalam ko, may gusto iyong kliyente ni beshie sa kanya at balak siyang gawing girlfriend. Pero itong si Fritz, gumawa ng kwento na nagli-live in daw sila ni beshie at nagplaplano ng magkaanak.

Iba rin ang galawan ni Fritz e. Dinadaan lagi si beshie sa pambu-bully tapos iyon pala, matagal na siyang may gusto. Nagsayang pa ng sampung taon, hindi na lang umamin agad.

"Well sabi nga nila, the more you hate, the more you love," nakangiting sabi ni Fritz bago hinalikan ang ulo ni beshie.

Awww...  Kinikilig ako sa kanila! I'm shipping them talaga!

"Sinundan niya kasi ako sa Ilocos, beshie. Sa parents ko siya unang nag-confess bago sa akin. Nakuha naman niya agad ang approval nila mama kasi nakita daw nila ang sincerity niya. Matagal na rin naman kaming magkakilala at kahit papaano, na-fall na rin ako sa kanya. Kaya ayon, hindi na ako nakatanggi noong mag-propose siya noong isang araw," kinikilig na kwento ni beshie.

"Mukhang ang aga ng mga nambubulabog sa'yo, Ma'am Zoey. Nasa may gate pa lang ako, rinig na rinig ko na ang boses nitong si Ma'am Elle," nakakagulat na pagsasalita ng bagong dating na si Nicolo.

Kasama niya ang aso ni Xavier na si Spike kaya agad akong tumakbo para salubungin sila.

"I miss you, Spike!  Na-miss mo ba si mommy?" nanggigil na tanong ko kay spike habang niyayakap ko siya ng mahigpit.

Sunod-sunod na tumahol si Spike kaya mas natuwa ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunod-sunod na tumahol si Spike kaya mas natuwa ako.

"Kamusta naman ang pag-aalaga mo sa baby ko? Hindi ka ba niya pinahirapan?" tanong ko kay Nicolo kasi sa kanya ko inihabilin si Spike kagabi.

Birthday ni daddy kahapon kaya napilitan akong matulog dito. Pero sa bahay talaga namin ni Xavier ako nakatira kasama si Spike.

(Trivia: Si Spike ay isang Japanese Spitz. Alaga siya ni Xavier since 4th year high school, regalo ng Ex niyang si Ynggrid. Umalis si Claire noong 5th year sila at bumalik after 6 years. Plus isang taon ng nawawala si Xavier. To sum it up, 12 years old na Spike. Gets? ^_^


P.s. Kasalanan po talaga ng totoong Xavier Mendez kung bakit upside down ang emotions ng ATSAXTS Series. Winiwindang kasi niya ang sistema ko kaya pati updates ko naloloka. Hahahah)

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon