Zoey-282

1.4K 38 2
                                    

Literal na napalaki ang mga mata ko at napanganga ang bibig dahil sa matinding gulat.

"S--seryoso ba kayo? Ang agang biro niyan.  Sige kayo, baka magkatotoo iyan," pilit ang tawang sabi ko noong medyo makabawi ako sa gulat.

Kahit kailan joker talaga itong dalawang ito.

Sila magpapakasal? Asa pa! Sobrang hate na hate kaya nila ang isa't isa. Para ngang laging may gera kapag magkasama sila.

"We're serious!" sabay at tumatangong sagot nila habang masayang ipinapakita sa akin ang suot na engagement ring ni beshie.

"Grabe na kayong dalawa ha. May pa-props pa. Kaninong sing-sing ninyo naman nahiram iyan? In fairness, ang ganda," patuloy na pagtataboy ko sa kalokohan nila.

Hindi talaga nila ako mapapaniwala sa kasinungalingan nila.

"Seryoso beshie, totoong engaged na kami," seryoso na ang mukhang sabi ni Elle.

"Hahahahah... 'Wag ako. Sina Ara at Zac na lang ang i-prank ninyo. Ni hindi ninyo nga maatim na halikan ang isa't isa tapos sasabihin ninyong magpapakasal ka--" muling naputol ang pagsasalita ko noong biglang halikan ni Fritz si Elle.

May sampung segundo ang itinagal ng halikan nila at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na gumanti ng halik si beshie kay Fritz.

"Waaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" tumatalong sigaw ko habang naiiyak sa sobrang tuwa.

"Congrats sa inyong dalawa! Finally,  nagkatotoo din ang matagal ko ng dasal na sana kayong dalawa na lang!" sabi ko habang niyayakap ko sila ng mahipit.

"Thanks, Zoey!" sabay na pasasalamat nila sa akin.

Bahagya akong lumayo sa kanila upang muling tignan ang suot na sing-sing ni beshie.

"This is it beshie! Hindi ka na NBSB!" nakangiting puri ko sa kanya habang pinupunasan ang namuo kong luha.

"Speaking of NBSB, beshie! Alam mo ba na kasalanan pala nitong si Fritz kung bakit walang lalakeng nagde-date sa akin simula noong college tayo?" naka-crossarms na reklamo ni beshie habang nakatingin ng masama kay Fritz.

Agad namang tinakpan ni Fritz ang bibig ni beshie upang pigilan sa iba pang sasabihin.

"Pagpasensyahn mo na lang itong bestfriend mo ha, sobrang chismosa din kung minsan," nahihiyang sabi ni Fritz habang patuloy siya sa pagtakip ng bibig ni beshie pero napabitaw siya noong bigla siyang itulak.

"Pwede ba Fritz, 'wag mo akong pigilan!" mataray na sermon ni beshie bago ako hinarap ng may napakalaking ngiti sa mga labi.

Napailing ako kasi ang kulit talaga nilang dalawa kahit kailan.

"Back to my story beshie. Nalaman ko lang naman na tinatakot pala nitong si Fritz ang mga lalakeng nagtatangkang manligaw sa akin. Pinagkakalat niya na tomboy raw ako at may lihim tayong relasyon! Can you imagined that?  It's disgusting!  Pati ibang babae sa office namin, ginagawan niya ng kwento na gusto ko raw!"

Kitang-kita ko ang pagbalot ng matinding guilty sa buong mukha ni Fritz habang tumutungo siya, kaya hindi ko na napigilang mapatawa ng sobrang lakas.

"Oo na! Nakakahiya ang ginawa ko! Sorry na! But can you blame me?  Ayaw ko lang naman na maagaw ka sa akin ng iba," nakakagulat na pag-amin ni Fritz.

"E, bakit ba kasi hindi ka na lang umamin ng mas maaga? Kung ginawa mo iyon, malamang matagal na tayong kasal," natatawang sabi ni beshie habang hinahawakan ang magkabilang pisnge ni Fritz.

Sa tagal-tagal ko na silang kilala, sanay na akong nilalait nila ang isa't isa.  Pero nakakapanibago pala kapag natuto na silang maging totoo sa feelings nila.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon