Zoey-292

1.1K 22 0
                                    

"Napapa-english ka ng wala sa oras, pareng Nicolo! Hindi kami sanay. Muntik na kaming ma-nosebleed!" patuloy na pang-aasar ni Fritz.

"Iyan pala iyong walang love life ha," dadag pa ni insan.

"Seryoso mga pare, wala nga. Friends lang kami ni Pau. Saka katatapos ko lang mabasted kay Aliyah. Ayaw ko naman ng double heart break 'no."

Napailing na lang ako kay Nicolo. Mukhang umuulan ng puso ang buhay ng mga kaibigan ko.

Anyway, tama naman si Nicolo. Pau is a nice girl. Noong una kinaiinisan ko siya kasi lantaran siyang makipaglandian kay Xavier. Pero ngayon, I treat her like my real sister. She's the best sister-in-law, simula noong mawala si Xavier hindi siya nagkulang sa pagsuporta sa akin sa pagpapatakbo ng kompanya ni Xavier. She gave all her time and effort to help me.

"Siya nga pala bago humaba ang usapan natin, ano bang meron at parang biglaan ang pagpunta ninyong lahat dito sa bahay? Imposible naman sigurong coincidence kasi ramdam na ramdam kong pinagplanuhan ninyo ang pagpunta,"naka-cross arms habang nakataas ang kilay na tanong ko sa kanila.

Nangungulila lang ako sa asawa ko pero hindi pa nangangalawang ang utak ko. Magaling pa rin ako sa observation. Hindi ninyo ako basta maiisahan lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

"Beshie, kahit kailan talaga ang tali-talino mo," pilit ang ngiting sabi ni Elle habang nilalapatan niya ako at sinasalubong na yakap.

Napansin kong lahat sila ang nakatitig sa akin kaya mas lalo akong kinilabutan. Pakiramdam ko may masama silang plinaplano.

"Insan, higit sa lahat alam ko na ikaw iyong taong hindi basta-basta mahahatak sa mga kalokohan. Magsalita ka na. Ano bang meron at naparito kayong lahat?" may kataasan ang boses na tanong ko para makaramdam din sila ng takot sa akin.

"Well it's nothing to be scared of insan. Kalma ka lang. Obvious na obvious na kinakabahan ka e. Sa tingin mo ba pagplaplanuhan ka namin ng masama?"

I almost forgot, mas mature at mas matalino nga pala sa akin si insan.

"What's the matter ba kasi? Bakit hindi ninyo na lang ako diretsahin?"

"Tara mag-island hopping bukas ate!" puno ng energy na sagot ni Shazsnay.

"Ah, island hopping lang pala e. Sure no problem," medyo lutang na sagot ko.

Grabe, pinakaba pa nila ako. Akala ko naman kung gaano kaimportante.

Pero wait...

"Oh,  narinig ninyo iyon guys? Pumayag na si ate Zoey. Wala ng bawiin iyan ha!"

"Woah finally! Makakalabas ka na rin sa comfort zone mo beshie!"

"The best talaga ang asawa ko. Napapayag si insan ng walang kahirap-hirap!"

"Zac, makipagbati ka na agad kay Ara para sumama siya bukas."

"Sa wakas, makakapag bakasyon rin ako! Salamat sa pagpayag ma'am, Zoey!"

"I'm going to call Kirby to inform him na tuloy tayo bukas."

Halos mabingi ako dahil sa sabay-sabay nilang pagsasalita at hiyawan.

Hindi naman sila sobrang excited 'no?

Pero may mali e...

Nabigla lang ako kanina.

Pilit akong tumikhim ng malakas para maagaa ang atensyon nila.

"Guys..." alanganing pagsisimula ko.

Sabay-sabay na naman nila akong tinitigan at pakiramdam ko balak nila akong tunawin.

"Sorry... Busy pala ako bukas. May mga new investors kasi akong imi-meet. Puno na ang sched ko this whole week until next month.  Pwede bang i-reschedule na lang natin iyan? O kaya, kayo na lang muna. Bawi ako next time."

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon