Zac-276

1.8K 43 6
                                    

"Pare, coffee," alok ko kay pareng Xavier habang inilalapag sa tabi niya ang isang tasa ng kape.

Tumango lang siya ng bahagya at tahimik na ininom ang binigay ko.

"Alam ko na sobrang hirap ng pinagdadaanan ninyo ni Claire ngayon. Pero may tiwala ako sa inyo, kaya ninyo yan. She's Miss Perfect, remember? Naaalala ko pa nga ang sabi ni Fritz noon, you are the only man who can match her. Sa tandem ninyong dalawa, siguradong walang kahit na anong problema ang titibag," pagpapalakas loob ko sa kanya habang tinatapik ko siya sa likod.

Kagaya nang Xavier na kilala ko, wala na naman siyang emosyong pinakita. Alam kong nasasaktan siya ngayon at kailangan niya ng karamay, pero hindi niya magawang magpakatotoo. Nagpapanggap na naman siyang parang hindi apektado sa mga nangyari.

"May alam ba kayo ni Fritz tungkol sa lihim ng mga Sebastian?" pagbubukas niya sa uspan habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Claire.

Andito kami ngayon sa bahay nila. Dito kami dumiretso pagkatapos ng mga nakakagulat na rebelasyon sa kalasada kanina.

Umuwi na muna iyong lalakeng nagsasabing siya daw ang totoong daddy ni Claire. Habang si Kirby naman ay nasa salas, nagbabantay kasama ang mga security niya.

"The two of you don't seems surprise earlier," dagdag pa niya.

"Yes, we knew something. But not everything," pag-aamin ko.

"Hanggang saan ang nalalaman ninyo? Kanino at paano ninyo nalaman?"

"I heard it from your cousin, Ara. Ex-boyfriend niya si Grandy at noong minsang mag-inuman kami sa unit niya, naikwento niya sa akin na pamilya nila Grandy ang nagpapatakbo sa BMA at daddy mismo ni Claire ang pumatay sa daddy mo."

"And how do you react after hearing that?" patuloy na tanong niya.

"Shock, of course. Sikat na magpinsan sina Grandy at Claire sa school natin noong college kaya hindi ko inaasahan na may ganoon pala silang lihim. At the same time, I felt sad for Claire and you. Matagal ko naman na kasing nararamdaman na may gusto kayo sa isa't isa kaya sigurado ako na apektado kayo sa nangyari sa mga daddy ninyo."

"How about, Fritz? Ikaw ba ang nagkwento sa kanya?"

"Hindi," umiiling na sagot ko. "Kilala mo naman iyon, may sariling imbestigasyon iyon lagi. Siya mismo ang nakadiskubre ng lihim ng mga Sebastian. Mas nauna pa nga niyang malaman ang katotohanan kaysa sa'yo, pero mas pinili niyang manahimik at magpatay malisya na lang. Ayaw daw kasi niyang magkasira kayo ni Claire.  Iyon nga lang, iniwan ka naman niya bigla 6 years ago."

"Kung matagal ninyo na palang alam, bakit hindi ninyo sinabihan si Elle? She was left clueless and unaware all this time."

"Kayo nga mismo ni Claire na involve sa issue ay hindi nagsasalita.  Anong karapatan namin ni Fritz na pangunahan kayo? Besides, Elle was a sweet and very innocent girl. Mas makakabuti sana na wala siyang alam sa mga kaguluhang ito," sagot ko sa malungkot na tinig.

Naaawa din ako kay Elle. Nasa kabilang kwarto siya ngayon kasama ni pareng Fritz. Nakatulog na siya sa kakaiyak dahil hindi niya matanggap na hindi siya nagawang pagkatiwalaan ng sarili niyang bestfriend.

But on the other hand, naiintindihan ko naman si Claire. Siguradong kagaya lang namin siya ni Fritz na ayaw madamay si Elle sa problemang ito.

Mrs. Mendez The Wife and Mr. Mendez The HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon