Wine Night

1.4K 157 3
                                    

She hears a knock on her door and Yel comes in with a bottle of wine and 2 glasses.

"O, ano, tapos na kayo ni Mama?"

"Oo. Tara wine night na."

Yel opens the bottle and pours wine for both of them.

"O so anong plano?"

"Kailangan ko daw makipag kita sa kumag na yun para linawin yung plano para hindi na i-contest yung kaso."

"Samahan kita. I don't trust that guy to be alone with you. Baka kung ano pang mangyari."

"Grabe ka naman. Ano namang mangyayari?!"

"Eh malay ko ba, either one, saktan ka ulit, or two, balikan mo dahil nagbago na kuno sya."

"Ganyan ba karupok ang tingin mo sa kin?!"

"Hindi naman, pero hello natiis mong kasal dun sa hayop na yun for 3 years?  Tapos tinago mo samin mga ginagawa sayo."

Dei looks at her wine glass as she sighs.

"Kung hindi ka lang pinuntahan ni Mama sa bahay dahil may duda na sya, hindi namin malalaman na ginagawa kang punching bag nung lalakeng yun."

Yel huffs as she recalls how infuriated she was at Bobby.

"Ayan na ngaaaa, iniwan na nga diba. 4 years na kaming hiwalay diba."

"Oo nga. Buti na lang talaga. Ewan ko ba sayo, ang talino mong tao pero jusko mga love life choices mo wagi eh noh."

Dei chuckles as she drinks her wine.

Dalawang sermon in one night. Kaya di ako umuuwi dito masyado eh. Dei thought.

"Sesermonan mo lang ba ako buong gabi? Kung gusto kong duguin sa tenga sana nag stay na lang ako sa office ni Mama ngayon."

"Sorry sorry na. O dun na lang muna tayo sa lalake mong bago. Ikwento mo na ng buo. Nkakainis naman kasi kung kelan kailangan ko nang umalis chaka naman kayo natapos mag MOMOL nung batang yun."

Dei tells the story to her sister, up until this morning's incident.

"Okay so bakit biglang naglalaplapan na lang kayo sa sahig? Kayo na ba?"

"Hindi. Ewan ko ba, pag napapalapit ako sa lalakeng yun parang may magnet na ewan nakakalimutan ko lahat ng morals ko eh."

"Naks morals. Marupok ka kamo."

"Ayun na nga rin."

"O so kelan mo sasagutin?"

"Binasted ko na. Sabi ko wag na lang ako pag interesan nya. Sa ichura naman nun I'm sure marami pang ibang pwedeng maging jowa yun diba. Besides, ang daming magagandang studyante sa La Salle dun na lang sya sa ka age nya, wala pang sabit."

"Nakuuu. Ang fishing mo ha. Syempre sino ba makakahindi sa ganda natin diba?! Eh paano kung hindi tumigil?"

"Ewan ko. sabi nga nya di daw sya titigil sa pagpapakita ng feelings nya sakin. Naku. Magsasawa rin yan."

Dei answers, actually trying to convince herself of what she just said.

"Good luck Sissy. Gulo mo naman kasi, sasabihin mo ayaw mo pero biglang nagbabanggaan kayo ng mga labi. Nalilito na yung bata nyan I'm sure."

"Sabi ko nga sa kanya e. Kasalanan ko actually for leading him on. Kaya lang I cannot offer something more. Plus, studyante ko pa. Tapos mas bata pa sakin. Tapos di pa ako annuled. Ang gulo ng buhay ko diba."

"Teka isa isahin nga natin. Una, hindi mo naman studyante habang buhay yan. Pangalawa, age doesn't matter as long as of legal age na yan gora na. Pangatlo, ginagawan mo na nga ng paraan yung annulment mo diba. At pang apat, sino ba hindi magulo buhay?"

Dei thinks about her sister's points.

Ano ba, should I stand my ground? She makes excellent points but...

"Hay. Bahala na si Ironman. One problem at a time."

"Anyway, sabihan mo ako kung kelan tayo makikipag kita with Bobby the Butcher. Akong bahala sayo. Pag natapos na yang usapan, chaka mo na sagutin si Bagets."

"Hahaha gaga. Chaka na natin pag usapan yan pag umayos na lahat. Ano naman balita sayo?"

"Glad you asked! So si Mike, pakiramdam ko mag popropose na!"

And Yel talked all night about all the evidence she gathered to point out that she will be engaged soon.

She's thrilled for her sister, and Mike is the perfect guy for her.

"OMG! So ano, napractice mo na yung reaction mo pag mag propose na sya?"

"Afkars!" And they both laugh as Yel acts out all possible scenarios.

"Ah basta ha. Pag inambahan ka nyan ni Mike lumaban ka! Wag kang tutulad sakin."

"Naku subukan nya lang kungdi ko sya putulan ng Junjun!"

1 bottle of wine down and 1 more to go, Dei realizes how much she missed her sister.

She should come home more often.

Kahit masermonan ulit ng nanay, nakakamiss din pala.

Head Over FeetWhere stories live. Discover now