Stalker Much?

1.5K 151 1
                                    

"Pare! Ano balita? Napasagot mo na ba si Miss??" Je asks as he sees RJ approaching their bench.

"Kanina binigyan ko ng kape at sandwich, sana naman nabasa nya yung note sa loob.... Masisiraan na ata ako ng ulo pre, ilang beses ko nang tinext, sinubukan tawagan, wala talaga."

"Eh baka naman binombard mo daig mo pa NDRRMC! Chillax lang, minsan magpa miss ka naman ganun. Hindi yung maya't maya text ka ng text! Ano ba sinasabi mo sa mga texts mo?"

"Wala. Sinasabi ko kung anong ginagawa ko... Tinatanong ko din kung kumain na sya ganun. Or kung ano ginagawa nya, nasaan sya, sino kasama mga ganun."

"Pota stalker ang dating brad, wag ganun. Para kang baliw e."

"Baliw na nga ata. Kung alam nya lang na sinundan ko sya sa date nila ni Don Tisoy nung Wednesday eh. Grabe pagpipigil ko nun!"

"ANO?!?! Sinundan mo?! Anak ng pating. Hoy RJ ha, sinasabi ko sayo hindi kita pinalaki ng ganyan! Mag hunos dili ka! Paano kung nakita ka ni Dei nun, eh di lalong lumayo sayo yun sa kaweirdohan mo?!"

"Eh nakita ko kasi sila papuntang parking. Sinundan ko..."

"O so ano nakita mo?"

"Kala ko ba di ka interesado? Maka sermon to makikichismis din pala."

"Aba syempre, kailangan malaman ko kung anong damage ang kailangan kong ayusin, at kung ano ang alibi ko sa pulis pag inaresto ka. O so ano nga?"

"Wala. Nag dinner sila sa AKIC, sa Romancon. Di ko masyado mabasa mga labi nila eh."

"ANONG LABI?! NAGHALIKAN?!" Tuns interjected as he sits hurriedly with the two.

"HINDE taenang entrada neto o." RJ glares at him.

"Makinig nalang kasi tayo. O sige pre, go." Je signals at him.

"O so yun. Nagkwentuhan sila, may mga papeles na nilabas si Don Tisoy, tapos yun. Paminsan minsan may attempt yung lalake na hawakan yung kamay ni Dei pero mabilis naman umiwas si Dei. Buti na lang."

"O yun naman pala eh! So wala kang dapat ikabahala, at least alam mong hindi sila."

"Pero alam kong dinidiskartehan nya si Dei."

"Pareee, all is fair in love and war. Eh di may the best man win na lang kayo, diba?"

"Eh buti nga sa kanya sumasama eh. Sakin ni mag reply sa texts wala."

"Sabi ko nga sayo wag kang masyadong makulit.  Para kang obsessed dyan e. Chaka sabi naman nya sayo diba boss nya yun syempre baka nakikisama lang.   Wag kang mawalan ng pag-asa.... O! Hi Babe andito ka na pala!" Je turns to Val.

"Hi Babe." Val kisses Je. "Uy RJ, may sasabihin nga pala ako sayo ha... Si Trish kasi eh, kasama ko kanina."

"O ano na naman daw?"

"Ingat lang kayo ni Ms. M ha. Kasi parang napag chismisan na daw kayo sa faculty, narinig nya... Baka malagot si Ms. M, baka pag initan." Val whispers as she looks around to see if anybody else is listening.

"Pucha... May chismis agad wala namang 'kami'. Buti sana kung sinagot na ako..."

"Hay naku pare. Basta. Makinig ka lang sakin. At siguraduhin mong seryoso ka dyan ha. Baka naman lalaro laro ka lang eh wag na, sayang oras nyong dalawa."

"Seryoso ako pare... Di na nga ako mapakali hanggang mag Wednesday ulit eh. Mamaya tignan ko kung saan sya papunta baka pwede kong sunda---"

"Teka sabi ni Je tama na muna stalking pare anlabo neto." Tuns says

"Magkikita kami sa Sunday, RJ.... Ay... Pero andun din kasi si Trish, at ibang faculty members, baka lalo lang kayong machismis..... Ay naku wag na nga, kalimuntan mo sinabi ko!" Val mentally hits herself for opening her mouth.

"Ha?! Saan?! Sama mo ako Val please pag dadrive ko kayo akong bahala sa lahat sige na sama ako please?!"

Val looks at him and sighs. "Kasi school activity yun. Teka ganito, promise mo muna wag kang magpapakita until wala nang tao. Itetext kita pag patapos na kami. Ayoko lang magka problema kayong dalawa okay?"

"Fine... Fine... Sige. Pero aagahan ko doon, di lang ako magpapakita... Saan ba? At ano meron?"

"May activity ang La Salle Laguna, dun ang location namin... Siguro tapos na kami by 4pm.... At HUWAG mo na ako ipag drive mag dadrive ako kasabay ko si Trish wag kang magpapakita dun at mainit dugo sayo di ka daw nag rereply sa kanya."

"Sige. Sunday. Andun na ako bago mag 4. Thanks Val ha."

"Oo naman. R-Dei fo life!" Val hits her chest with a closed fist.

Head Over FeetWhere stories live. Discover now