Chapter Five: His Plea

2.1K 69 87
                                    

Zacchary

Nasa bahay si Nana at Arlo nang makauwi ako. Malapit ng maghating-gabi kaya napakunot na lamang ako ng noo ng makita sila. Mirana nodded at her fiance, gesturing him to leave us for a while.

"Zacc? Ano na naman 'to?"she immediately blurted out, exasperation is evident in her tone.

"What am I doing this time, Mirana?"

"You know exactly what I mean!"She shouted, no longer able to hold her anger. Why is she so mad?

"Nana, I don't have idea, okay? Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit ng ganyan-"

"Hindi mo alam?"Nanlilisik ang mga mata niya. She even screamed in her exasperation. "Stop doing what you are doing, okay? Hindi ko alam kung ano talaga ang ginagawa mo pero alam kong may kinalaman na naman 'to sa babaeng kamukha ni Chanchan. Zacchy, napapabayaan mo na ang mga pamangkin ko."naluluhang wika niya.

"Oo nandiyan 'yong yaya nila, pero Zacc, alam mong hinihintay ka nila palagi tuwing gabi. Lagi ka nalang late umuuwi. When I checked, wala ka naman sa opisina. Hindi tungkol sa negosyo ang pag-uwi mo ng late ng gabi."

"Nana, I'm doing this for my kids!"

Humagalpak siya ng tawa, ng pekeng tawa, habang pinunasan ang luha niyang nakawala.

"No Zacc. Ginagawa mo 'to para sa sarili mo! Alam mong wala na si Chances pero pinagpipilitan mo parin 'yong gusto mong paniwalaan!"

"Because Mirana, I have the reason to believe in everything! Hindi mo alam kung gaano kasakit, na gumising para malaman mong wala na ang taong pinakamamahal mo! E kung alam kong gano'n 'yong magigisnan ko Nana..."I paused to compose my voice from breaking. "Kung alam ko lang, sana hindi nalang ako gumising."

"Zacchy, tama na please."sumamo niya habang niyayakap ako. "Masyado ka ng nagpapakalunod sa sakit e. Oo alam kong hindi ko malalaman kung gaano kasakit ang nararamdaman mo pero alam ko kung paano masaktan. The intensity of the pain doesn't really matter Zacc. Malaki o maliit, pain is still pain. And you know what, you have control over it. Even though you're pained, you still have the choice to be happy."umiiyak na pahayag niya. "Nasasaktan ako. Hindi ako makatulog sa gabi. Tinatanong ko 'yong buwan, ang mga tala, ang hangin, lahat-lahat na... kung bakit kailangan mong pagdaanan 'to."

Napahagulhol ako sa sinabi niya. Hindi ako nagkamali sa kanya; she's not my bestfriend for nothing.

"You don't deserve any of this. Minsan, nasisisi ko pa si Chanchan. Sana hindi nalang siya dumating sa buhay mo. Zacc, hindi ko kayang maging masaya habang ikaw nagdudusa parin at nagluluksa."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Mirana? Ano'ng ginawa mo?"

"Hindi matutuloy ang kasal namin ni Arlo ngayong taon."tugon niyang nagpagalit bigla sa'kin.

"What? You can't do that to him!"

"Hindi ako masaya Zacc!"she blared back. "Yes, Arlo is everything to me and so are you. Hangga't hindi ka masaya, hindi ako magpapatali sa pinsan mo. Hangga't pinagpapatuloy mo 'yang kahibangan mo sa babaeng 'yon, hindi ako magpapakasal. Kung magdudusa ka, then fine, I'm doing the same thing."galit na singhal niya.

"What the f-Ugh!"I scowled in anger. "Hindi mo gagawin 'yan!"

"Pick yourself up, Zacchary. Arrange your life back. And just so you know, tito Francis called earlier. The DNA is ready and will be delivered anytime tomorrow morning. Sana lang Zacc, tumigil ka na pagkatapos mong makita ang result. Ako, kahit hindi ko makita 'yon, alam ko na ang result. Dahil kung iniisip mong may anomalya sa araw na 'yon, it could only be your mom or me. Ask yourself Zacc, why would we do it? Ba't namin 'yon gagawin sa'yo? Sa'yo na sobrang mahal namin?"

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon