Chapter Seven: Condo

2.1K 67 87
                                    

After waking up inside the condo which Chances and I once considered our home, while remembering her face from the last time I saw her, an idea came up to me. But how am I going to do it? Kidnap her? Uh. No.

Honestly, I don't have any idea on how to actuate my plans. But there is one thing that is always certain, I'm not giving up on her. Sigurado akong siya si Chances. Kung hindi lang naiba ang buhok niya, wala kang makikitang kaibahan sa kanila ng Chanchan ko bago ako na-coma. Pareho ang mga pangarap nila. Lahat-lahat ay nagco-coincide. This is not coming to my awareness for nothing. I'm meant to find her so I could have her back.

Wala akong pakialam sa result ng DNA. A single paper will not dictate my happiness, my marriage and in making my family complete. Hindi isang papel ang magdidikta sa'kin at sa buhay namin ng anak ko... sa buhay namin ni Chances.

"Mr. Harrison?"

"Hi babe."Bati ko sa kanya sabay abot ng bouquet ng bulaklak na dala ko.

"What's this game?"Pagsusungit niya. "What are you up to? Just leave please."

"Sinusundo lang naman kita."Pasimpleng sagot ko nang nakangiti pa. "Tara na. Sa hospital ka ba pupunta?"

"Zacchary. Please just leave. Ayokong maging bastos kaya please umalis ka na."Patuloy na pagtataboy niya.

"Nope. I can be more annoying than this, Chances. You know it. So you choose; get in the car or you get in the car."

Masama ang tingin na ipinukol niya sa'kin pero pumasok parin siya ng kotse. Napangiti ako bago sumunod sa loob. That's exactly how my Chances acts. That's my wife.

"Sky."Pagpapaalala niya nang nasa driver's seat na ako. "Hindi ako si Chances, okay?"

"Okay, babe. Copy that."

She opted to be silent; probably to avoid getting annoyed at me. More like, she's already annoyed at me. Napangiti ako. Ganyan talaga siya e, tatahimik at bubusangot na lang siya kapag nagagalit or naiinis na sa'kin.

"Have you taken your breakfast?"I asked.

Hindi siya sumagot. But I saw her forehead furrowing. Galit pa din e. Aasarin ko pa sanang lalo kaya lang ay narinig kong kumulo ang tiyan niya.

"Siya na ang sumagot para sa'yo."Sabi kong nakangiti sa kanya.

She looked to the other side, hiding her face from me. It was no avail; sumilip naman kasi ako. Napangiti na siya at ang cute, namumula ang pisngi niya gaya ng dati kapag nahihiya siya.

"Babe, it's okay."

"You're so annoying."Pagmamasungit niya. "Anyway, I've heard about a nice coffee shop. We can go there and grab a breakfast."

"Hmm. I'm cool with that."

"Great. Coffee Chances it is then."Nakangiting sabi niya.

Oo nga 'no? Hindi ba nga nagpunta na siya minsan sa coffee shop? Inaway pa nga siya no'n ni Divina. Wala man lang ba siyang maalala. I've established that business for her. Naaalala ko pa, desperadong-desperado ako no'n dahil sa takot na baka iwan niya ako dahil hindi ko maibigay sa kanya ang buhay na nararapat sa kanya.

"Hey, what happened to your hands?"She asked, taking me out of my reverie.

Napatingin ako sa kamay kong medyo namamaga pa dahil sa pagsuntok ko ng wall no'ng nakaraang araw, nang malaman ang result ng DNA test. Knowing that she cares, I smiled at her.

"Wala 'to. Nabadtrip lang."

"Are you sure? Zacchary, it's swelling."

Nang balingan ko siya, lumakas ang tibok ng puso ko dahil mata ng asawa ko ang aking nakikita; mga mata ni Chances sa tuwing nag-aalala siya. Ako narin ang nagbawi ng tingin dahil nararamdaman ko ng nangingilid ang luha sa mga mata ko.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon