Chapter Twenty-Six: Bloody

1.7K 57 30
                                    

Chances' Point of View:

Mahimbing na natutulog ang asawa kong magdamag kong tinititigan. Isa kang panaginip, Zacc. May hangganan palagi ang makasama ka. Nakakalungkot. Palagi nalang tayong pinaglalayo. Bakit gano'n? Bakit 'yong iba? Malaya silang nagmamahal. Hindi ba pwedeng gano'n din tayo?


"Mahal na mahal kita. Pero kailangan ko lang gawin 'to, mahal ko. Alagaan mo ang sarili mo at ang mga anak natin." Bulong ko sa kanya nang haplusin ko ang makinis niyang mukha. "Zacc, iwan ka ang pinakamali at pinakatamang desisyon na gawin ko. Mali dahil labag sa gusto ng puso ko, tama dahil gagawin ko 'to para sa'yo at sa mga anak natin."

Mabilis ang tambol ng puso ko nang makita si Chance na patakbo papalapit sa'kin at may dalang kahon. Nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang buong katawan ko.

"Mommy, I think this is for you. Zac and I found this."

Kinuha ko kaagad ang kahon, sa takot na baka bomba o ano ang laman no'n. Nang mapagtantong hindi 'yon mabigat, naalala ko ang kahong natanggap ni Zacc sa resort noong nasa isla kami. Is this going to be a threat too?

My instinct was right. Isang patay na daga ang laman no'n. Sa sobrang pagkabigla, nabitawan ko 'yon kaya nakita ng mga anak ko ang laman. Tumambad sa'kin ang isang papel na nasa kahon. Nang nanginginig ang mga kamay, pinulot ko ang nakatuping papel.

Leave.

Isang salita lang ang nakasulat sa papel na 'yon, isang salitang nagpabago ng desisyon ko. Alam kong nangako ako sa asawa ko pero kailangang may magsakripisyo. At sa sitwasyong 'to, ako lang ang kailangang mawala. Hindi ba't ito din ang mensaheng natanggap ni Zacc no'ng nasa isla kami? He just needs to let me go. I just need to leave for all of this to end.

Nagmamadaling kinuha ko ang kahon para itapon 'yon. Mahirap na baka makita pa ni Zacc.

"Is it really dead, mommy?" Tanong ng anak ko sa'kin. Malungkot ang mukha niyang nakatingin sa'kin.

"It's okay baby." Sagot ko.

"Mommy, the babies of that mouse will surely be looking for her." Inosenteng wika niya.

"They still have daddy-mouse so their babies will be okay." Naiiyak na sambit ko dahil naiisip ko kung sakali mang ako 'yong mawala. Nandiyan naman si Zacc para sa kanila.

Habang nakatitig sa ako sa mga anak ko, unti-unting nawawasak ang puso ko. Ayaw kong malayo ulit sa kanila. Pero kung sakali man, gaya ng sinabi ko, alam kong hindi sila pababayaan ni Zacc.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα