Chapter Twenty-Three: Mirana

1.8K 56 48
                                    

Habang nagmamaneho ng kotse, binabalikan ko ang alaala kasama si Mirana sa tuwing pilit ko siyang pinapaniwalang buhay si Chances.  Lumalabo lang lalo ang paningin ko dahil ayaw paawat ng mga luha ko sa pagdaloy. Ang hirap paring tanggapin na magagawa ni Mirana sa'kin 'to. Prinsesa ko 'yon e. Mahal na mahal ko 'yon pero paano niya nakayang saktan ako ng ganito? Paano niya nagawang wasakin ang buhay ko?

"Zacchary, stop this nonsense! Please, just stop!"

***

"No Zacc. Ginagawa mo 'to para sa sarili mo! Alam mong wala na si Chances pero pinagpipilitan mo parin 'yong gusto mong paniwalaan!"

"You don't deserve any of this. Minsan, nasisisi ko pa si Chanchan. Sana hindi nalang siya dumating sa buhay mo."

Kaya ba siguradong-sigurado siya na wala na si Chances? Kasi ba siya ang nasa likod ng lahat? Nagsasabi ba ng totoo ang asawa ko?

***

"Ano? What are you looking for Zacchary?"

"Chances! Chances!"I called out, ignoring Mirana's question. No. Chances is here! "Chances! Chan—"

"Zacchy, tama na! Alam mo..."She cried. "Kung hindi kita kaibigan, iisipin kong nababaliw ka na."

"Nana, maniwala ka naman sa'kin o."I pleaded. "You're my bestfriend. I need you to believe me. She was here. She was with me, Nana."

"I'm sorry. I'm so sorry, Zacc."She muttered as she cried on her knees. Napatalungko narin ako para alalayan siyang tumayo. "No."Takwil niya sa'kin nang hawakan ko siya. "Ang sama-sama kong kaibigan. Ang sama ko."

"Hey. No. Mirana, naiintindihan naman kita e. Ginagawa mo lang naman 'yon dahil iniisip mo ang mga anak ko."

"I'm sorry. Zacchy..."

***

Ang hirap tanggapin, Mirana. Please. Just give me one instance... Isang bagay lang o pagkakataon para magkaroon ako ng lakas ng loob na pakinggan ang paliwanag mo. Isa lang Nana.

"May mga naririnig ako Zacchy. Ang dami-dami nila." Sambit niya bago humagulhol sa tuhod niya. Diretsong pumatak ang luha ko habang pinapanood ang isa sa mga pinakamahalagang babae sa buhay ko. Mirana is like a sister to me.

"Nana, magiging okay ang lahat. Makinig ka sa'kin. Look at me." Sumunod naman siya. Habang nagmamakaawa ang mga mata niyang nakatuon sa'kin, maingat na kinuha ko mula sa kanya ang cutter. "It's okay. Hsssh. It's okay." I whispered while I enclosed her in my arms. "Tell me Nana, what is wrong?"

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now