Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt

1.8K 46 9
                                    

Mirana's Point of View:

Sa pagkakaalala ko, mahimbing ang tulog ko dahil maganda ang napapanaginipan ko. Ang ipinagtaka at ikinatakot ko ay ang mabilis na pintig ng  puso ko. Kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan.

"Si Zacc." Utal ko matapos kapain ang dibdib ko. "Kailangan kong makatakas dito."

How am I going to do it? Anong idadahilan ko? I have everything in this room. I need to think of something else—

"Aaaah!" I screamed, sounding pained.  "Ang tiyan ko. Ang sakit ng tiyan ko." I cried out. "Namimilipit sa sakit. Para akong mamamatay! Aaaaaaah!"

After a few minutes, nurses came to get me out of the room. When we arrived in the infirmary, nagpumiglas ako. Nang makita ko ang isang nurse na inabot ang sedative, inagaw ko 'yon. Nagtagumpay ako. Ininject ko sa nurse ang pampatulog na naagaw ko sa kanya. Matapos sipain ang kasama nito, patakbo akong lumayo sa infirmary.

I sighed relief when I saw myself outside the vicinity of the mental hospital. Pumara ako ng taxi kahit na wala akong kapera-pera.

"Kuya, pwede po bang makitawag?"

Tiningnan ako ng masama ng driver. Nagdadalawang isip siya pero sa huli, inabot niya rin sa'kin ang phone niya. Si Zacc ang tinawagan ko pero hindi ito  macontact kaya kahit ayoko, tinawagan ko si Arlo. As much as possible, ayaw ko siyang madamay sa gulong kinasasangkutan ko. Tama nang nanganganib si Zacc, 'wag namang pati siya pa.

"Naku hija, kung wala kang pambayad, habang hindi pa tayo nakalayo, sabihin mo na. Sos." Wika ng driver habang hinihintay kong sagutin ni Arlo ang tawag. Malamang tulog 'yon. Malapit na kayang mag-ala una ng madaling araw. "Alam ko na 'yan e. No'ng huli, gaya mo rin, magandang babae, sumakay ng taxi ko e walang pera. Buti nalang may mayamang boypren." Pagpapatuloy ni kuyang driver.

"Hello? Who's this?" Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses ni Arlo.

"Arlo—"

"Nana?" I smiled at his quick recognition of my voice. "Nana? Paano ka nakatawag sa'kin?"

"Arlo, papunta na ako diyan sa inyo. Can you wait for me outside the house? Please?"

"Su—sure. Sure, baby. I'll wait for you."

Nagpasalamat ako sa driver matapos isauli rito ang phone niya. Umirap pa ito sa'kin. Parang timang 'tong driver na 'to. Tss. May naikwento si Chances sa'kin noon na taxi driver e. Feeling ko, parehong dugo ang nanalaytay sa katawan nila. Heee! Napaka-engot.

As I have requested, Arlo waited for me outside his house. After paying the taxi driver, he carefully assisted me in alighting from the car. When I was fully out, he embraced me.

"Arlo, kailangan nating puntahan si Zacc. Pakiramdam ko nasa panganib siya e."

"Ano'ng sinasabi mo?"

Tumulo ang luha ko nang walang ano-ano habang tinititigan ko sa mga mata si Arlo. Hindi dapat ako nagtatago sa kanya e.

"Si tito Gary..." Utal ko. "He's the person behind everything. Kaya pala humihingi ng tulong sa'kin si Divina. Kaya gusto niyang umalis nalang si Chances. She's in danger. Si tito Gary lang ang may kakayahang gawin lahat ng 'to."

"What made you say that?"

Tears kept spurting out from my eyes like a stream. Without my permission, a memory more than ten years ago replayed in my head. A memory that I tried to forget for so many years. A memory I have forgotten after taking different drugs until I became what I am right now.

Sigurado akong matutuwa si Zacc sa ibabalita ko sa kanya. May kasunduan kasi kami tungkol kay Arlo. Alam naman niyang gustong-gusto ko ang pinsan niya kaya he challenged me na 'wag pansinin si Arlo for a week. May ibibigay raw siya sa'kin kapag nagawa ko. He even said he'll be the happiest. Hindi lang siya magiging proud kundi proud na proud. Haha.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now