Chapter Eighteen: Dead

1.9K 58 42
                                    

"Zacc! Zacchy! We miss you."Mirana squealed when I opened my eyes. Everything was blurry but I was sure it's her, my bestfriend who is always by my side. "Tita! Arlo, call tita. Call the nurses!"

Umalis si Mirana saglit at pagbalik niya, may karga-karga na siyang bata. Isang munting anghel na kamukhang-kamukha ng asawa ko.

My wife. Where is my wife?

Inilibot ko ang tingin ko sa silid pero wala si Chances. The people present in the room were my bestfriend, my cousin, the kids and my mom who just arrived.

"Oh honey, we miss you. Wait, I'll get baby Zacchy." Paalam niya matapos akong yakapin at hagkan sa noo. Bumalik siya na karga-karga ang isa pang batang lalaki na kamukhang-kamukha parin ng asawa ko. "Look, son. He looks like his mom."

"They both do." Mirana interjected, referring to the baby she's carrying as well.

Naramdaman kong sumilay ang ngiti sa labi ko. Unti-unti 'yong lumapad lalo nang maabot ko't mahawakan ang malambot na kamay ng dalawa kong anghel.

"Chances. Where is Chances?" I asked in my groggy voice.

Nagtinginan silang lahat. Habang palipat-lipat rin ang tingin na pinupukol ko sa kanila, walang ni isa ang naglakas loob na sumagot sa tanong ko.

"Nana, ma! Where is my wife!?" Sigaw ko sa kanila. Hindi. Mali ang iniisip ko. Naalala ko bigla ang araw ng aksidente. Bago ako mawalan ng malay, nakita ko si Chances, nakaputi. Binubulong niya sa'kin kung gaano niya ako kamahal. Pero ang mga mata niyang hilam sa luha ay nagpapaalam. "Please! Tell me, where is my wife!?"

"Dude."Arlo bravely responded. "She's—"

"She's what? Please call her. I want to see her. I want to see my wife. Please call her."sambit ko ng paulit-ulit. May mainit na tubig na dumaloy sa bawat gilid ng mga mata ko. Samantala, walang umaalis. Walang lumalabas o kumikibo para tawagan ang asawa ko. "What? Call my wife, didn't you hear me?"

"Zacc, she's gone."Arlo said. I wanted to get up from bed to strangle him when said it. "She's gone for a year now."

"Arlo, get the fuck out of here! That is not a good joke!" I angrily shouted at him.

My wife! Where is my wife! That can't be her goodbye! She can't be gone.

"Umalis ka dito! Wala kang karapatang makita ang anak ko!"

Nang marinig ang sigaw na 'yon, narealize kong ito ang realidad at ang nakikita ko kanina ay isang panaginip mula sa nangyari no'ng nakaraan. Binuksan ko kaagad ang mga mata ko. Nasa silid si Arlo, si mama, si Divina at maging si papa.

"Asawa ko po ang nandito. Kailangan niya ako." Umiiyak na sagot ni Chances.

"You are not my daughter-in-law! She was gone! You are not a good impostor. Now, you leave or I will call the police!"

"Ma! Tama na 'yan!" Singit ko. Napatingin silang pareho sa'kin. Mabilis na nakatakbo si Chances papunta sa'kin.

"Zacc. Hindi mo na ulit gagawin 'yon. Hindi mo na ulit ako papag-aalahanin ng ganito."

"Babe."

"Kumusta na ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? O kaya inum—" Hindi na niya natapos bigkasin ang salita dahil hinila ko siya papalapit sa'kin. Niyakap ko siya ng ilang minuto, sinigurado sa sarili kong totoong hawak at yakap ko ang asawa ko.

"I love you babe." I whispered as I breathed relief on top of my lungs. Goodness, hindi ko kakayaning mawala ulit ang babaeng 'to.

"Mahal na mahal kita." Malambing na wika niya sabay haplos ng pisngi ko. Mayamaya ay yumuko siya para abutin ang labi ko para sa isang matamis na halik.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now