Chapter Sixteen: Make Sense

1.9K 59 43
                                    

Itinago ko agad ang maliit na papel na laman ng malaking kahon na 'yon. Lumapit naman agad si Chances nang lingunin ko siya at ngitian.

"Ano'ng—"

"Wala. Walang laman,babe. Prank lang yata." Pagsisinungaling ko kaagad. Tinitigan niya ako ng matagal na para bang hindi siya naniniwala sa'kin. "Chances, wala nga. Ito namang baby ko. Tara na sa loob. Lablab tayo." Pagbibiro ko para alisin ang takot niya. "Lika na babe. Ayaw mo bang mag-lablab sa gwapo mong asawa?"

Hindi parin siya gumalaw, nakabusangot pa nga siya habang nakatitig sa'kin.

"Ito naman. Ayaw maniwala sa'kin. Wala talaga babe. Wag ka ng matakot okay?" Hindi parin siya nagpadala kaya binuhat ko na siya. Matapos siguraduhing nakalock ang pinto saka kami dumiretso sa shower. "Ngiti na, ganda." Sabi ko matapos siyang ibaba.

"Hindi ka nagsisinungaling sa'kin ah?" Wika niya sa napakalambing na tono. "Wala kang itinatago sa'kin?"

"Babe, wala. Promise." I replied, even smirked to make it more convincing. "Kiss mo 'ko."

"Promise, hindi ka nagsisinungaling?"

"Hindi nga."

"Okay." Pabulong niyang utal saka lumapit sa'kin. Akala ko ay hahalikan niya ako, yayakapin lang pala. "I love you, Zacc. Stay safe."

Nakangiting hinarap ko siya. "I will. And you my love, you promise to stay with me."

"I promise."

I will never let this woman go.

Hindi ako natulog nang gabing 'yon, sinigurado kong ligtas ang asawa ko. Tiniyak kong walang makakalapit sa'min. Habang mahimbing siyang natutulog, masaya akong pinapanood siya.

"I will do everything for you, Chan. Everything. I don't care if it will cost my life again."

Bigla siyang gumalaw kaya napaayos ako ng higa at nagmamadaling nagpanggap na tulog. Ayaw kong maghinala siya na may itinago ako sa kanya. Hindi ko rin siya pwedeng iwan sa kama dahil baka magising na naman siya. Palagi siyang nagigising e at hahanapin niya agad ako. Sweet. She is so sweet in her little ways. It always makes me happy.

Ibinalita ni Mang Emilio na pwede na kaming bumiyahe dahil wala na raw ang mga trosong nakaharang sa daan. Nag-aagahan kami ni Chances sa restobar ng resort nang ipaalam iyon ni Mang Emilio.

"I don't think it's necessary for us to go, Zacc." Chances suddenly said in the middle of our meal.

"Babe?"

"Sa tingin ko, sinadya lahat ng nangyari kahapon. Naiisip mo ba, may nakakaalam sa bawat galaw natin. Zacc, may nagtatago sa paligid na sumusunod sa'tin." Paliwanag niya sa halos pabulong na paraan. Inilibot niya sa paligid ang mga mata. Naestatwa ng ilang sandali si Chances kaya sinundan ko ng tingin ang direksiyong tinitingnan niya.

What the hell? It's Isaac. Tatayo na sana ako ngunit lumapit rito ang nakangiti niyang asawa. Walang ni isa sa kanila ang nakatingin sa'min.

"Who are they again?" Pukaw ni Chances.

"I'll just talk to them, babe. Babalik ako agad." I said instead of answering her question.

Wala akong inaksayang sandali, lumapit agad ako sa table nila.

"Guerrero, what a small world. Can we talk for a while?" Sabi ko saka binalingan ang asawa niyang walang kangiti-ngiti ngayon. "I hope you don't mind, Mrs. Guerrero."

"It's okay, hon. I'll be back in a bit." Aniya sa asawa niya saka sumunod sa'kin palabas sa lugar. "What's with the sudden need for talk, Harris—"

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon