Chapter Thirty-One: Last Bullet

1.7K 46 14
                                    

Chances' Point of View:

Hindi ako makapaniwalang may nabubuhay sa mundong 'to na kasing demonyo ng ama ni Zacc. Proud pa siyang aminin sa'kin ang pagpatay niya sa mga magulang ko! Pati pa ang pagnanakaw ng attorney namin sa perang inilaan ni mommy't daddy para sa pag-aaral ko. How could he even exist? How could he breathe every second after taking other people's lives in his hands? He is not God! Wala siyang karapatang kumitil ng buhay ng iba!

"Ako lang ang kailangan mong mawala di ba? Ako ang patayin mo! Walang dapat nadadamay dito!" Sigaw ko sa kanya matapos iwan sina Mirana at Arlo.

Itinutok niya sa'kin ang baril na hawak niya. Sa sandaling 'yon, wala akong naramdamang takot. Pagkatapos ba naman ng lahat, sa dami ng taong nadadamay, wala na akong kinatatakutan maging ang kamatayan pa.

"Sa'n mo nakukuha ang tapang mo?" Tanong niya habang idiniin niya sa magkabilang pisngi ko ang kamay niya. "Kung papasabugin ko kaya ang bungo mo, magtatapang-tapangan ka pa kaya?"

Ngumisi siya, ngising pang-demonyo. Kasunod no'n ay ang paghablot niya ng damit ko. Umaatras ako pero natumba rin dahil sa kung anong bagay na tumisod sa paa ko. Nakatutok parin ang hawak niyang baril sa'kin.

"Maglaro na muna tayo, Chances."

"Napakahayop mo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang alingawngaw ng baril. It was not from his gun dahil hindi naman ako natamaan. Natumba ang demonyo at napaluhod sa sahig saka tumambad sa'kin ang anino ng isang babae.

"Wala ka ng bababuying babae, Gary." Wika nito.

"Divina?" Bulalas ko. Lumapit siya kaagad sa'kin at tinulungan akong tumayo.

"Kailangan na nating makalabas rito. Wag kang mag-alala Chances, ligtas sina tita Veronica kasama ang mga anak mo." She informed me.

Nakailang hakbang na kaming dalawa papalayo nang umurong si Divina sa paglalakad. Umurong siya matapos ang isa pang alingawngaw ng baril. Dahan-dahang ibinaba ko ang tingin ko hanggang sa makita ang tama niya.

"Umalis ka na, Chances."

"Hindi." Umiiling na tugon ko. "Hindi kita pwedeng iwan dito."

"Alagaan mo ang asawa mo. Mahalin mo siya ng buong-buo, unlike what I did. Trust me, hindi ko ginustong lokohin siya. But... It's okay. Kung hindi naman 'yon nangyari, hindi ka niya makikilala. Hindi ka darating sa buhay niya at hindi siya magiging masaya."

"Please, I don't want to hear that. Let's just leav—" I stopped midsentence because Divina pushed me! Then I heard next another bang, three of them. And all were fired to her. Iyak lang ang tanging nagawa ko sa sobrang gulat at sa bilis ng pangyayari.

"Run, Chances. Leave!" Divina managed to say even with all the blood flooding around her body.

Tumakbo ako gaya ng utos ni Divina. Ilang putok pa ang narinig ko. Nagtatago ako sa malalaking kahon na hindi ko alam kung ano ang laman.

"Chances, nasaan ka?" Anas ng demonyo sa nakakapanindig-balahibong boses. "Papunta na ako."

Nagpigil ako ng hikbi ko at tahimik na lamang umiiyak sa pinagtataguan ko.

"Magpakita ka, Chances. Naiinip na ako."

Tinakpan ko ang bibig ko ng aking mga kamay para masiguradong walang anumang ingay na maririnig mula sa'kin. Mayamaya ay katahimikan ang bumalot sa buong factory. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko ngunit hindi ako tuluyang nakagalaw dahil sa narinig kong yapak... papalapit sa pinagtataguan ko.

Oh God. Please don't let this end like this. We need justice for everything he did. Hayaan Niyo munang makuha namin 'yon bago Niyo 'ko kunin.

Hinanda ko na ang sarili ko para sipain o tuhudin ang demonyo kung sakaling makalapit siya. Magkahalo ang nararamdaman ko ng sandaling 'yon pero nangibabaw ang saya dahil agad na dininig ng Diyos ang dasal ko.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now