Chapter Twenty-One: Memories & Promises

2K 58 13
                                    

"Ang saya mo." Puna ko kay Chances na nakangiti habang pinapanood ang mga anak naming naglalaro ng pambatang kotse na de-baterya.

"Ang saya nila e." Dahilan niya. Nakahawak ako sa kanyang manipis na bewang, hinigpitan ko ang paghawak do'n. Humilig naman siya sa balikat ko kaya amoy na amoy ko ang bango ng buhok niya. Bangong hinahanap-hanap ko palagi.

"Masayahin na sila mula noon pa. Pero iba 'yong saya nila ngayon na nandito ka, Chan." I told her.

"I'm happy, Zacc." She murmured. "Thank you. Hindi ka sumuko."

"Bakit ko naman susukuan 'yong babaeng hiningi ko sa langit? Pinangakuan kita no'ng pakasalan kita e. At palagi akong humihiling sa Kanya ng himala, Chan. Kasi kahit sinabi ng mundong wala ka na, alam ng puso ko ang totoo. Hindi kita susukuan. Kahit ano'ng mangyari, mahal ko."

"I love you, Zacc." Bulong niya saka ako niyakap. "Wait. Talking about the wedding. I've checked our photos. Hinanap ko 'yong video coverage. I can't find it."

"Gusto mong panoorin?" Nae-excite na tanong ko.

"Oo sana. Titingnan ko lang kung kasing ganda nga ako sa nakikita ko sa picture." Tumatawang tugon niya na nagpakunot ng noo ko.

"Tsk. Ano ba namang dahilan 'yan Chan? Maganda ka naman palagi e."

"Ikaw lang ang nagagandahan sa'kin." Giit niya pa. Tsk.

"Ako lang? Binalak ka ngang agawin sa'kin ng pinsan ko at nang... Sa-ack na 'yon. Tss."

"Hala siya. Oo na. Maganda na ako. Matahimik ka lang, mister kong seloso. Wag na natin silang pag-usapan para hindi masira ang mood mo. Ang gwapo mo pa naman ngayon. Tara na. Panoorin natin 'yong wedding video please." Malambing na sabi niyang kahit sino ay hindi siya magawang hindian. Pero siyempre, ninakawan ko muna siya ng halik.

"Napakalandi mo talaga, Zaccharias. Tss."

"Haha. I love youuuuu."

Napailing nalang siyang sumunod sa'kin. Hawak-kamay kaming naglalakad papunta sa garage. Nasa bahay kasi namin lahat ng wedding-souvenirs, itinago ko sila sa isang vault sa bahay. Yong wedding pictures na tinutukoy niya kanina, nakita niya 'yon malamang sa kopya ng wedding album namin na naka'y mama. Tinext ko si mama na aalis kami ni Chanchan bago tuluyang nagmaneho palabas ng bahay.

"Wohooooo." Sigaw ko sa video sabay hugot ng malalim na hininga. Same-day edit wedding video ang unang pinanood namin ni Chances.

"Kalma dude, she'll be just yours." Nakangising tugon ni Arlo.

The screen switched to showing the hotel of the beautiful resort. After a few more clips of the people important to us, some nature and sceneries, the screen displayed the most beautiful face I've seen my whole life. My angel, my wife in white.

"Mrs. Harrison. Besh! Ang sarap pakinggan." Tili ni Lendon. Nakakatawa, ipapanood ko 'to kay Lendon. Hindi pa siya baritono dito o. Haha. At dahil siya nga si Chances, pinalo niya ang kaibigan niya saka tumawa ng malakas.

"Ang bayolente nito. Totoo naman talaga. Sobrang bagay. Ang swerte-swerte mo besssshy!"

"That must be Lendon, right?" Chances commented who's leaning her body on me while I hugged her.

"Yes babe. Yang isa pang kasama niyo na tumatawa lang, siya si Anelyn. You call her Neng or Aneng."

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now