Chapter Twenty-Five: Uncover

1.6K 44 18
                                    

You lied to me, Chan.

Galit ang nasa puso ko ngayon. Galit para sa kanya at sa kanyang pagsisinungaling. Galit para sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanyang pangako.

Hindi ka dapat umalis. Sinabi ko namang makakaya nating harapin lahat ng magkasama. Dahil sa emosyong bumabalot sa puso ko, itinapon ko lahat ng pagkaing hinanda ni Chances sa mesa. Nagkalat sa porch ng kwarto namin ang mga nabasag na pinggan at baso.

"Sir Zacc?"

"Alice." Nilakasan ko ang loob ko. Nagkunwari akong hindi ako nasaktan sa pag-iwan sa'kin ng asawa ko kahit na klaro naman sa mga mata kong hilam sa luha. "Kapag nagising ang mga bata, pumunta kayo kaagad sa bahay ni mama. Huwag kayong umalis do'n hanggang hindi ko kayo sinusundo."

"O-okay po." Sagot niyang nag-aalinlangan. "Sir, sa'n po kayo pupunta?"

Hindi ko na siya sinagot, mabilis ang mga hakbang ko palabas ng bahay. Hindi, Zacc. Stop chasing her. She chose to leave. Mahirap hanapin ang taong nagtatago. Wag mo siyang hanapin!

Pinagalitan ko ang sarili ko. Sa loob ng halos kalahating oras, tumambay lang ako sa loob ng kotse na ipinarada ko sa gilid ng daan. Hinayaan ko ang sarili kong ilabas lahat ng sakit at pighating nararamdaman ko.

"Ang sakit Chan. Hinanap kita. Hinanap kita para saan? Para mawala lang ulit sa'kin? Chances? Mahal na mahal kita e. Hindi ba sapat 'yon para maging matatag ka, para samahan akong harapin lahat?"

Ako kasi. Kaya ko. Sapat nang nandito siya sa tabi ko. Kahit napakagulo ng buhay, okay lang, basta kasama ko lang siya. Pero wala na e. Umalis na siya. Iniwan niya ako. Hindi siya tumupad sa pangako niya.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi ko magawang 'wag siyang hanapin. Hinanap ko siya sa bahay nila ni Nero, sa Corinthians Gardens. Pumunta pa nga ako ng nature park dahil walang tao doon sa bahay.

"Good morning. Pwede bang magtanong?" Tanong ko sa isang crew na nakasalubong ko.

"Ano po 'yon sir?"

"Ah. I... I am Nero Castillo's friend which I presumed is your boss. Hindi ko lang kasi macontact and I need to tell him something so important. Did he happen to be here?"

Walang pagsususpetsa sa mga mata ng lalaking tinanong ko. Tumikhim pa siya bago sumagot.

"For three days, dito siya tumambay sir, sa resthouse niya. Pero hindi pa po namin siya nakikita ngayong araw." Seryosong sagot nito.

"Ah. Okay. Thanks."

Pabalik na ako no'n sa bahay nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang unregistered na number.

"Mr. Harrison?" Diretsong bungad nito.

"Yes. Who's this?"

"Meet me tomorrow. This is Ajax Vinzon."

"I'm sorry? Pardon me?"

"Author of Finding Symphony. We met at the park."

"I know. What I am asking is why would I meet you tomorrow?"

"Mr. Harrison, this is about your wife."

Chances.

Agad na pumayag akong makipagkita sa kanya matapos niyang banggitin ang asawa ko. Kung pwede lang sanang ngayon na, kaya lang ay bumibiyahe pa sila. Tama nga si Chances, nagtatago narin sila dahil nakakatanggap rin sila ng mga death threats.

Dahil kailangan ko ng makausap patungkol sa pag-alis ni Chances, dinalaw ko si Mirana. Kahit na alam kong hindi siya tulad ng dati, sigurado akong handa parin siyang pakinggan ako.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now