Chapter Twelve: The Words

2K 64 74
                                    

Mahimbing na natutulog si Chances habang nakangiti naman akong nakatitig sa kanya. Kayang-kaya kong titigan ang magandang mukha na 'to kahit magdamag, kahit buong buhay ko. Her confession on the other day about our kids, it was one of the best things. She dreams of our little angels when they were infants because that is how she remembers them.

Nang sumagi sa isip ko ang takot na nararamdaman niya kapag may nakikita siyang ibang tao, napakuyom ako ng palad.

"Babe, nandito na ako." Bulong ko habang hinahaplos ang mukha niya. "Wala ng mananakit sa'yo."

Kung sino man ang nanakit sa'yo, sino man ang nasa likod ng lahat ng nangyari, hahanapin ko. Hahanapin ko at pagbabayarin. My precious angel doesn't deserve something as cruel as what happened. Napakabuti niya pero paanong nakakaya nilang saktan ang puso niya?


Inimbitahan ko sa condo ang mga taong pinaghihinalaan kong may kinalaman sa nangyari sa hospital ng araw na 'yon. Chances agreed to my plans. Sa kagustuhan niyang maalala lahat, siya mismo ang nagmungkahi na kitain ang mga taong posibleng nasa likod ng nangyarii, nagbabakasaling maalala niya. Kahit ayaw ko, nangako ako dahil iyon ang gusto niyo; na hindi ako gagawa ng bagay na pagsisihan ko kung sakali mang malaman namin ang totoo

"What's the sudden invite, Zacc?" Dr. Ramirez asked immediately when he got in.

"Nothing. I just wanted to..." I didn't finish what I was about to say because Chances walked in with a tray of sandwich and juice. Maingat niya itong inilapag sa mesa. Nginitian niya si tito bago umalis. Habang ako naman, pinanood ko ng madiin ang reaksiyon niya.

"Who-who was that?" He asked, stammering.

"Oh. You don't remember her? Kung sabagay, anim na taon na ang nakalipas." I answered sarcastically yet sounding sincere.

"It's not your wife."

"Who else would it be?" I said firmly, stopping myself from hurting him. Mabuti nalang at nakita ko si Chances na nakasilip sa'min. She smiled sadly at me and then shook her head.

"You didn't invite me because of her, did you?"

"Oh-no. No, tito. I am actually just letting you know that I'm initiating an investigation about that day at the hospital. I just wanted you to know that you will be out from it. And as you've promised, can I have the list of the people on duty that day?"

"Hmm. Su-sure. Sure." Sagot niyang ngayon ay nakangiti na ng mapakla.

Namumutla rin siya na para bang takot na takot. Ni hindi niya ako magawang tingnan ng matagal. Ni hindi nga siya mapakali sa inuupuan niya. Kaya naman hinayaan ko na siyang umalis nang magpaalam siya dahil kating-kati na akong paaminin siya. He's acting something unnatural!

"He is suspicious." I kept on insisting to Chances for the nth time.

"I don't remember him—"

"You don't remember anything!"

She stiffened at the sudden shift of my tone. She smiled sadly and nodded.

"Right. I'm sorry." Naiiyak na sambit niya. "I'm sorry if I am so stupid to remember things."

Damn Zacchary, you always hate to see her cry and now you're making her do so.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now