Chapter II

13K 779 85
                                    

Chapter II: Shocking News

"Mn? Sarili niyang potion?" napakunot-noo si Association Master Morris.

Lahat ng formula sa paggawa ng mga pills at potions ay ipinasa-pasa na sa bawat henerasyon ng mga Alchemist. Ito ay nagmula pa sa nagtatag ng Alchemist Association. Mayroon din naman silang mga sariling gawang potions at pills at alam nila kung gaano kahirap ang proseso nito. Kailangan muna nilang magkamali ng ilang libong beses bago makuha ang tamang proseso sa paggawa nito.

Hinawakan ni Elder Alicia ang kaniyang Interspatial Ring at agad na lumitaw ang walong bote na naglalaman ng Body Strengthening Potion. Ipinamahagi ito ni Elder Alicia sa anim na kapwa Elder niya at binigyan naman niya si Association Master Morris at si Brien Latter.

"Ito ang bago mong ipinagbebentang potion, hindi ba? Hindi ko alam na nagmula pala ang potion na ito sa binatilyong iyon. Ang akala namin ay sarili mo itong gawa." wika ng isang Elder.

Mapait namang napangiti si Elder Alicia, "Ah... hindi ko sinabi ang bagay na 'yan. At nagkaroon kami ng kasunduan ng binatilyong iyon na hangga't maaari ay hindi ko ibubunyag kung sino ang totoong gumawa nito."

'Sa tingin ko ay kailangan kong sirain ang kasunduan namin ni Finn Doria. Kailangan ko siyang mapasali sa Alchemist Association at tanging si Guro lang ang makagagawa ng bagay na 'yon.' sa isip ni Elder Alicia.

"Association Master, alam na namin ang tungkol sa potion na ito. At masasabi naming kakaiba ang isang ito. Kahit na isa lang itong Tier 1 Potion, ang epekto nito ay talaga namang kahanga-hanga." wika ng mga Elders.

Tumango naman si Association Master at binuksan niya ang potion na ibinigay sa kaniya ni Elder Alicia. Ganoon din ang ginawa ni Brien at pagkabukas nila, agad nila itong inamoy.

Malinaw na makikita sa kanilang mukha ang pagkagulat at hindi makapaniwalang ekspresyon. Amoy pa lang nito ay, nakararamdam na sila ng lakas mula rito. Hindi rin nila masabi kung anong klaseng potion ito kaya naman hindi nila mapigilang hindi humanga.

"Mn. Ito ba ay talagang gawa ni Finn Doria?" tanong ni Association Master Morris.

Nang marinig ito ni Elder Alicia, hindi niya alam ang isasagot niya. Sa totoo lang, sinabi sa kaniya ni Finn Doria noon na hindi sa kaniya ang formula ng potion na ito. Ayon sa kaniya, napulot niya lang ito sa loob ng isang abandonadong kuweba.

Pero kailangang magsinungaling ni Elder Alicia kung gusto niya talagang makuha si Finn. Kailangan niyang gawin ang lahat, kahit pa magsinungaling siya sa kaniyang sariling Guro.

"Oo, Guro. Sinabi niya ito sa akin noong ibinenta niya ang formula ng potion na ito." pagkukunwari ni Elder Alicia.

"Hmph. Maaaring sinuwerte lang siya dahil natagpuan niya ito sa abandonadong lugar. Paanong ganoon kadali bumuo ng formula?" naiinis na wika naman ni Brien.

Ayaw niyang maniwala na may mas higit pa sa kaniya. Mayroon siyang Blue Alchemy Flame at isa itong pambihirang Alchemy Flame kaya naman hindi niya gusto ang impormasyong mayroong mas magaling at talentado sa kaniya.

"Kung ayaw mong maniwala, wala na akong magagawa roon. Hindi ko kailangan ang katulad mong may makitid na utak." naiinis na wika rin ni Elder Alicia.

Hindi naman pinansin ni Association Master ang pagtatalo ng dalawa at malalim na lang siyang nag-isip. Ilang sandali pa ay bigla siyang bumuntong hininga at marahang nagwika, "Blue-Green Alchemy Flame at may sariling formula... isa itong natural na ipinanganak bilang Alchemist. Hindi dapat masayang ang gaya niya sa Cloud Soaring Sect. Kakausapin ko si Sect Master Noah tungkol sa bagay na ito pagbalik natin mula sa Seven Great Faction Games."

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now