Chapter XXXVI

10.8K 773 85
                                    

Chapter XXXVI: Entering the Realm

Tama, kung totoong mapanganib sa loob ng Mystic Treasure Realm, hindi maiiwasan na malagay ang kanilang buhay sa panganib. Kahit na gustong subukin ng mga nakakatandang adventurers ang kani-kanilang miyembro, masakit pa rin para sa kanila na malagay sa kapahamakan ang kanilang pinaka iingat-ingatang mga bata.

Ang mga batang ito ang pag-asa ng Sacred Dragon Kingdom at ang bawat isa sa kanila ay mayroong potensyal na maging tanyag at malakas sa hinaharap. Kahit ang pagkamatay ng pinakamahina sa kanila ay isang malaking kawalan na sa buong Sacred Dragon Kingdom. At nais man nilang gabayan ang mga ito sa loob ng Mystic Treasure Realm, imposible itong mangyari dahil sa isang pambihirang limitasyon.

Noon, nagkaroon ng ilang eksperimento ang Royal Clan sa Mystic Treasure Realm na ito. Natuklasan nila na tanging mga edad dalampu't lima lamang ang maaaring makapasok sa loob ng lagusan patungo sa loob ng Mystic Treasure Realm. Natuklasan din nila na pagkatapos nang matagumpay na pagpasok ng ika-siyamnapung batang adventurer, bigla na lamang nawawalan ng enerhiya ang lagusan. Napansin din nila na pagsapit ng ika-tatlumpung araw ay bigla na lamang lilitaw ang lahat nang matagumpay na natapos ang pagsubok ay sa harap ng nasabing lagusan.

Noong mga nakaraang Seven Great Faction Games, tanging mga Scarlet Gold Rank Adventurer lang ang pinakamalakas na nakakapasok sa Mystic Treasure Realm. Pero ngayon, sa unang pagkakataon, mayroon ng batang Adventurer na Profound Rank ang makakapasok sa kakaibang mundong ito, higit pa roon, dalawa sila.

Isang 1st Level at isang 5th Level Profound Rank. Dahil hindi naman mangangahas na humiling ng mga Faction Masters sa Prinsesa, maaari lang silang maglakas-loob na humiling kay Finn Doria.

Ngumiti naman ang binata kay Association Master Morris at bahagyang umiling, "Ipagpaumanhin niyo ngunit hindi ko kayo mapagbibigyan sa inyong kahilingan. Ang kamatayan ng aking kapwa adventurer ay hindi ko na obligasyon. Isa pa, kailangan ko pang ituon ang aking buong atensyon sa pag-eensayo at ayokong sayangin ang aking oras sa pagbabantay sa kanila. Kung nais nilang lumakas sa hinaharap, tanging kanilang sarili lamang ang kanilang maasahan." Malumanay na wika ni Finn Doria.

Ang tono niya ay walang halong kayabangan o kahambugan ngunit nang marinig ito ng mga batang adventurer na nasa Scarlet Gold Rank, nagdilim ang kanilang ekspresyon at binigyan nila si Finn ng masamang tingin.

Binalewala lang ito ni Finn Doria at ngumiti. Walang rason upang tulungan niya ang mga taong 'to dahil masasayang lang ang kaniyang oras kung babantayan niya pa ang mga ito.

Hindi naman nagalit si Association Master Morris, sa halip, tumingin siya kay Lord Helbram at ang kaniyang mata ay para bang nangungusap habang nakatingin dito.

Syempre ay naiintindihan ni Lord Helbram ang tinging ito ni Association Master Morris. Nais ni Association Master Morris na humingi ng tulong kay Lord Helbram upang kumbinsihin si Finn Doria. Ngunit nang makita ni Lord Helbram na hindi na magbabago ang isip ni Finn Doria, bahagya siyang napailing at bumuntong hininga.

Tama naman si Finn Doria. Bilang adventurer, kung nais nilang maging malakas, kailangan din nilang gawin ito gamit ang kanilang sariling kakayahan. Hindi naman oras-oras ay nariyan ang nakatatandang adventurer upang sila ay protektahan.

Nang mapansin naman ni Association Master Morris na wala ring magawa si Lord Helbram, tumingin naman siya kay Sect Master Noah. Napaawang ang kaniyang bibig ng biglang iwasan ni Sect Master Noah ang kaniyang tingin, malinaw na ayaw nitong tumulong.

At dahil mukhang hindi niya na rin mapipilit ang binata, kinalimutan niya na lamang ang kaniyang kahilingan.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan, isang mayamang enerhiya ang bigla na lamang pumalibot sa buong Floating Island. Bawat isang naroroon ay naramdaman ang napakayamang enerhiyang ito kaya naman, hindi nila mapigilang mapapikit at damahin ang napakayamang enerhiyang ito.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now